NASA isang hindi pamilyar na kwarto sya nang gumising sya. Maayos na ang pakiramdam nya kahit papaano.
Tinanggal nya ang kumot saka umalis doon na nakapaa paa dahil wala syang makitang shoes or slippers. Iba na rin ang suot nya, nakahospital gown na sya imbis na shirts at jeans lang.
Habang naglalakad ay tumitingin sya sa paligid lalo na at nagugutom na sya. Pero mukhang nasa isang hospital sya dahil puro ng hospital rooms ang nadadaanan nya at mga mga numbers each door. Naamoy din nya ang pamilyar na amoy ng hospital doon.
Nagkasalubong sila ng tingin ng dalawang lalakeng nakasalubong nya. Hanggang sa malagpasan nya ang mga ito ramdam parin nya ang tingin ng mga ito sa kanya.
"Miss" tawag ng isang sa mga ito na nagpatigil sa kanya.
Liningon nya ang mga ito pero hindi umimik.
Linapitan sya ng dalawa "Are you lost? May.....hinahanap ka ba?"
"Uhm...." She's not sure either. Basta lumabas lang sya dahil hindi nya alam kung nasaan sya "Kind of....."
"the floor is cold. Hindi ba nilalamig ang mga paa mo."
Napatingin silang lahat sa paa nya.
"Wala kaseng slipper sa room" aniya
"Saan ka ba pupunta?"
Napahawak sya sa tyan "I'm actually hungry"
Pinaupo sya ng mga to sa upuan at naghanap naman ang isang lalake ng masusuot nyang slippers. Maya maya lang ay bumalik itong may dalang tsinelas.
"You don't look familiar" wika ng isang lalake habang naglalakad sila papunta sa cafeteria "Siguro hindi ka hunter. A family member of a hunter right?"
Hindi sya umimik sa sinabi nito. Tumigil sila sa isang pinto kung saan kailangan ng identification card ng mga family members para makapasok. Dahil glass door yon, doon nya napansin na yon pala ang cafeteria.
Ang damot naman ng cafe dito, no id no entry talaga?
"Dala mo ba yung card na binigay ng nurse sa inyo?" Tanong ng isang lalake
Napatingin sya sa kamay nya, napakunot noo sya nang makitang may thumb mark scanner doon. Ilalagay nya sana ang hinlalaki doon nang pigilan sya ng isang lalake.
"Miss, hindi dyan. Para sa mga hunters yan. For the family members card ang kailangan. Naiwan mo ba?"
Sasagot sana sya nang may maisip na kalokohan.
Mag aalarm kaya pag ilagay ko ang thumb mark ko?
Tumingin sya sa scanner at tuluyang idinikit ang daliri. Pero ang inaasahan nyang alarm na mag iingay ay wala, instead, her jaw almost fell when she saw what's written at the monitor.
"Welcome Captain Thirteen. Enjoy your lunch"
Then the door at the cafeteria slide open.
"Captain thirteen?" Tumingin ang isang lalake sa kanya. Agad itong naglabas ng baril at itinutok sa kanya. Ganon din ang isa.
"Sino ka?! Sir Levi is the current captain of thirteenth unit. You must be a spy" wika nito.
"H-Hindi!" Tanggi nya "I'm not a freaking spy"
"Liar" wika nito "Sumama ka saamin"
"Ayoko nga!" Agad na wika nya "Why the hell should I do that?"

BINABASA MO ANG
The Bad Blood
VampirosShe set her own rules. She's believes that a mix breed monster like her is not allowed to fall in love. But then she met this vampire, he's very persistent on entering her life. He made her experience a lot of things, made her feel emotions she neve...