Chapter 52

1.6K 68 12
                                    

"LANA......Lana...."

Iminulat nya ang kanyang mga mata nang marinig ang kanyang pangalan.

"Hugo....?" Mahinang wika nya.


"Gising...dali"

Nanlaki ang mga  mata nya nang makumpirma ang boses ng kapatid.




"Hugo!" Bumalikwas sya at agad na napangiti nang makita ito. Hindi na sya nag aksaya ng panahon at agad itong yinakap "Namiss kita......"



Yumakap ito pabalik "Namiss din kita..."





Kumalas sya at tinignan ito mula ulo hanggang paa "Ayos ka lang ba? Walang masakit sayo? Noong huli tayong nagkita......... you......"





Nabitin ang kanyang mga salita nang marealize ang nangyayari...





"Patay na ako" aniya "Hindi ba?"






"Not yet" ani nito



"Pero andito ako" giit nya "Kasama ka"






Iginiya sya nito sa isang lugar na ngayon nya lang napansin. Medyo pamilyar ang lugar na ito sa kanya. Hanggang sa tumigil sila sa isang lugar na alam na alam nya. Ang lugar kung saan nakahimlay si Hugo.




"Nagustuhan ko ang lugar kung saan nyo ako dinala" wika nito "Thank you..."

Napangiti sya sa sinabi nito "This is the best place I know"


"And thank you for that." Umupo sila sa damuhan habang nakatanaw sa napakagandang lugar "You know Lana, things happen for a reason"




Nakakunot noo nya itong tinignan "And?"




"And people exist....also for a reason"


"And?" Aniya ulit



"Lana, wag mo masyadong damdamin ang pagkawala ko. I existed to be with you and Levi. To make you control yourself and be a good person. We all need someone to tell us what is right and wrong"

The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon