Chapter 19

1.6K 60 4
                                    

NAKATIIM bagang sya habang naglalakad palayo sa lugar na iyon. Damn those two for dragging her into a mess. Hindi na sya magtataka kung biglang syang pag usapan ng mga royal bloods. They will get curious to the girl who got the pure blood's attention.



"Pnyeta sila" inis na wika nya.

"Always on a bad mood, pagdating talaga sa mga magulang mo laging umiinit ang ulo mo"



Napatingin sya sa kanan nang marinig ang pamilyar na boses na yon. Mabilis na nagliwanag ang mukha nya nang makita kung sino ang nagsalita "Tita Lindsey!"



Dali dali nya itong linapitan at niyakap. Lindsey's smile widens  "Ikaw talaga. "



"Kailan ka pa dumating?" Nakangiting tanong nya habang excited na pinagmamasdan ito. Lindsey is like a mother to her. Assistant ito si Chief Dallas at kasama din ito noong una nyang nakilala si Chief. They were the kind people who took them in and gave them love. .


Inayos nito ang buhok nya "Just this morning. Alam mo ba kung ano ang galit ko kay Dallas nang malaman kong family day ngayon tapos wala man lang syang balak puntahan ka. Wala na nga sila Hugo at Levi dito, hindi ka manlang nya naisipang bisitahin. Kaya heto, I dragged him here"

Napakunot noo sya "Nasan sya?"


Ngumisi ito "Pinauna ko sa cafe para makapag handa ng kakainin natin"

She grin " Damn he's so whipped. "

Kinuha nito ang kamay nya "Let's go. We need to get rid that mad mood of yours"


Nang makarating sila sa cafe, nakahanda ang isang table para sa kanila. May mga inumin at pagkain at ang nakakuha talaga ng atensyon nya ay ang isang box ng regalo.


"Is this enough?" Tanong ni chief kay Lindsay

"Good job " wika ng babae bago umupo.

She eyed the chief. Napakunot noo ito saka nakipag titigan sa kanya "Anong problema mo bata?"

"Wala naman "humalukipkip sya "Ano lang kase, ang daming natatakot sayo at tinitingala ka dahil nga magaling ka tapos malakas pa. Pero, isang salita lang ni tita Lindsay lumuluhod ka na"


Napaubo ito habang kumakain "A-Anong sinabi mo? Sinong lumuluhod? Hindi ako lumuluhod-"


"Dallas may sinasabi ka?" Taas kilay na tanong ni Lindsey



Tumikhim ang chief "Wala naman"



Pumalatak sya "Tiklop ka talaga eh"


The chief eyed her "Kumain ka na nga"


Sumubo sya ng pagkain "Pero diba magkababata kayo? Childhood friends. You guys are from the same province"


Tumango ang chief "Yeah, magkapit bahay lang kami noon sa probinsya. Ba't mo natanong?"

Napatango tango  sya "That's quite cliche. Tumatanda na kayong pareho at walang asawa. Don't you think it's time to stop that pakipot styles of yours? "

Parehong nabulunan ang dalawa sa sinabi nya.

"W-What?" Namumula si Lindsesa sinabi nya "H-Hindi naman...."


"Lana naman..." Wika ng chief sa mahinang boses.

"What?" Tumaasang isang kilay nya "Magdedeny parin kayo? Oh sige, sabihin nyo sakin ang totoong dahilan kung bakit hanggang ngayong pareho kayong NBSB at NGSB?" Humalukipkip sya.

The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon