Chapter 12

1.7K 70 0
                                    

"I SAW you enter the hall with the Hunter's chief Dallas. Are you close to him?" Tanong ni Keagan sa kanya.


"Oh" tumango sya "He's like a father figure to me."


"Say my dear" wika ni Amarina "Where are your parents? Anong trabaho nila? Do they run a company or something?"


"Mom" saway ni Lucas


"Anak, I was just asking. We're one of the most respected family. Hindi basta basta ang pumapasok sa pamilya. You can't just date anybody" Wika ng ginang.



She almost rolled her eyes. Women from Royal families are the same. Akala mo naman wala ng makakatapak sa kanila. Speak and act as if they can have everything in this world.


"Mom, seriously. Lana is a friend. She's a good friend. Hindi mo kailangang malaman kung sino ang mga magulang nya" depensa ni Lucas


"No Lucas" hinawakan nya sa braso ang binata "It's fine. Hindi ko naman talaga tinatago ang family background ko. " Nginitian nya ng pagkatamis tamis ang mga magulang nito "I don't have a parent. They tried to kill me countless times when I was a child. Siguro nagsawa na sila kaya iniwan nalang nila ako mag isa"



Natigilan ang mga ito. Pati si Lucas ay nagulat sa sinabi nya.



"I was a stray kid when I met  the chief. He took me in and I became a huntress" aniya. "Unfortunately I stopped my training for years since I'm not well."napatingin sya sa labas "The fireworks will start soon. I suggest you should go at the balcony right now if you want to be in the good spot" she raised her glass a little bit before drinking "Excuse me"


Tinalikuran na nya ang mga ito. Intimidating? Not at all. She will show these stupid royals that they are not intimidating at all. Walang kailangang katakutan sa mga ito.


"Lana.." tinabihan sya ni Chief "Napansin ko marami kang nakakasalamuha ngayon. How does it feel to meet your boyfriend's family?"



Napakunot noo sya "Boyfriend? Sino?"

Inginuso nito si Lucas "Sya. I saw how close you are while dancing. Tumatawa pa nga kayong dalawa"



"Tanda, hindi ko yan jowa. Kaibigan ko lang sya. Besides, alam mo namang hindi ako pwedeng magkajowa"


"Lana, wala namang pumipigil sayo. Yang sila Levi at Hugo gusto kang makita na magkaboyfriend. Masyado ka namang loyal sa sarili mo. Magpakasaya ka naman. "

Napa iling iling sya "Saka na, pag natripan ko na"

Nagsimula na ang fireworks. Karamihan sa mga bisita ay nanood habang ang iilan ay nanatili sa loob. Napatingin sya kay Danovan. Hawak nito ang champagne glass habang nakatingin sa isang direksyon. Nang sundan nya iyon, napangisi sya. He is looking at Christina, while the woman is busy watching the colorful fireworks.. After how many years, after all that happened, don't tell me pinagnanasaan parin nito ang kanyang ina. Maybe they think they're safe?

Inilapag nya ang basong hawak sa isang mesa at dahan dahang naglakad hanggang sa tumigil sya sa malaking pagitan ng mga ito. Tumingin sya kay Danovan at nagtama ang kanilang mga mata, saka sya tumingin kay Christina na nakatingin na rin pala sa kanya. Nang tumingin na sya sa harap, ngumisi sya bago umalis. It is like tellimg them that she knows their secret. Guguluhin nya ang pag iisip ng mga to. Guguluhin nya ang mga ito hanggang sa ang mga ito mismo ang lalapit sa kanya.



Pumunta sya sa labas para masilip ang fireworks display. Nananahimik sya sa isang tabi nang makarinig sya ng mga babaeng pinag uusapan si Chistina.


The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon