PAREHO silang naging abala ni Lucas sa activity. Tulad ng sinabi nito, wala nga itong ginagawa na kahit na anong hindi nya magugustuhan. Pareho silang abala sa laptop pero habang tumatagal muli syng inaakit ng antok.
Napapahikab sya ng hindi nya napapansin pero pinipilit nyang imulat ang mata.
"Are you ok?"tanong ni Lucas nang mapansin nito ang estado nya.
Tumango sya "Yeah, just a little bit sleepy. "
She's tempted to remove her ring to gain some strength pero pag ginawa naman nya yon lalabas ang tunay na amoy ng dugo nya at maaakit non si Lucas.
"Maybe we should take a break. You don't look well. We still have tomorrow and weekends" ani nito
She wave her hand "Nah, let's just finish it. Baka tawagin ako ni Rego sa training ground bukas. Alam mo naman, kahit subukan kong magpalusot sa lalakeng yon hindi yon papayag sa mga gusto ko"
"Still, kukuha lang ako ng makakain. Some sweets maybe and coffee" ani nito.
She groaned"Mukhang mas mabuti pa nga. "
Lumabas ito. Napa inat sya ng katawan. Itinabi muna nya ang laptop saka yumuko sa mesa. Siguro hindi masamang ipikit muna ang mga mata habang hinihintay si Lucas.
Pero dahil talagang namimigat ang mga talukap nya, nkatulog sya sa kakahintay. Nagising nalang sya nang marinig ang boses ni Lucas.
"Go back to sleep. Mukhang pagod ka" dinig nyang wika nito.
Usually hindi sya basta basta magtitiwala. Hindi nya lubusang kilala si Lucas at alam nyang maaaring may gawin ito sa kanya pero hindi nya alam kung ano ang sumanib sa kanya kung bakit naisipan nyang ipikit ang mga mata at itinuloy ang pag tulog.
Nagising sya sa napakakumportableng kama. The bed feels good, the pillow and linens smells great. Napakakumportable talaga at parang ayaw nyang gumising pero naalala nyang nakatulog sya sa kwarto ni Lucas. Mabilis na naimulat nya ang mga mata. Lumibot ang paningin nya at hindi sya nagkamali ng kutob. Nakatulog sya sa kwarto ni Lucas at mukhang binuhat sya nito sa kama.
"Oh, you're awake" kapapasok lang nito sa kwarto.
"How long was I out?" Tanong nya. .
He shrug "I'm not really sure"
Napatingin sya sa wall clock at nanlaki ang mga mata nya nang makita ang oras. Mag aalas singko na ng hapon! "Bakit hindi mo ako ginising?!"
"Well you look tired and sleepy so hindi na kita ginising. You obviously need some sleep. Ni hindi ka nga nagising nung binuhat kita"
Napatampal sya sa noo "This is crazy. I was out for more than five hours. Paano yung ginagawa natin?"
Itinuro nito ang table "Nakalahati ko na. Tatapusin ko sana kaso ayoko namang maubusan ng dahilan para makita ka"
Napayakap sya sa sarili "You creep! After making me sleep on your bed, sasabihan mo ako ng ganyan. Bakit hindi mo ako ginising? Ang lapit lang ng room ko oh"
He shrug "Kase......ngayon lang ako nagagandahan sa babae habang tulog"
She frowned"Wow, ang galing mo din no? Nakasimangot ako pag tulog, alam ko yon. Anong maganda doon? Ang sabihin mo, creepy ka talaga"
He chuckle"Totoo nga. Maganda ka parin pag tulog, ang bait mo din"
Kinuha nya ang unan sa tabi nya saka binato ito "Heh! Lahat mabait pag tulog. "

BINABASA MO ANG
The Bad Blood
VampireShe set her own rules. She's believes that a mix breed monster like her is not allowed to fall in love. But then she met this vampire, he's very persistent on entering her life. He made her experience a lot of things, made her feel emotions she neve...