Chapter 45

2K 66 4
                                    

NAPASINGHAP sya nang lumapat ang labi nito sa kanya. Utinulak nya ito...


"Lucas..."



He pinned her on the tree behind her and kissed her again. Yumakap ang isang braso nito sa beywang nya at mas pinagdikit pa ang kanilang mga katawan. Lucas didn't gave her another chance to speak. His lips molded into hers and kissed her until she runs out of breath.




Hinihingal syang tumingin dito nang tumigil ito. Napakadilim na  at tanging ang liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid.



"Lucas....."mahinang wika nya habang nakatingin sa mga mata nito.



"Don't say anything. Because I will shut your mouth whenever you try to break away. " Wika nito habang nakadikit ang noo sa kanya "Hindi na ako papayag na lumayo ka saakin. Kahit anong dahilan pa yan"



He is saying the truth. She can feel it from his words and actions. She can feel all of his emotions. At dahil doon, parang may humaplos sa puso nya. Gusto nyang bumigay dito, gusto nyang ipagkatiwala kay Lucas ang sarili.





Pero hindi parin nya magawa. Hindi nya kaya, may nararamdaman parin syang takot. Hindi naman sa wala syang tiwala kay Lucas pero hindi parin nya magawang hayaan ang sarili. Natatakot sya dahil ayaw nyang tumanggap ng ibang tao sa buhay nya tapos mawawala din ito sa huli sa kanya. Pero susubukan nya, there are lots of things that are worth fighting for.



"Lana" Lucas cupped her cheeks "Set yourself free. I'm here, I will stay"





Napahawak sya sa braso nito saka tumango.



I know you will stay, but I can't promise that I will too......



Hindi nya mapigilan ang luha sa pagtulo nito. Muling lumapat ang labi ni Lucas sa labi nya, this time she let herself savor the moment.





Nang makabalik sila sa bahay nila Ravin, naabutan nila ang mga ito na nakatambay sa main hall.




"Nasaan yung iba?"tanong nya



"Nasa hospital" wika ni Russ "Si Alpha Cameron pinuntahan si Luna dahil hindi daw naghihilom ang mga sugat na natamo nito. Ganon din yung iba. Mukhang hindi madaling maghilom amg mga sugat na galing sayo"


Tumango sya "When I shift, my body itself will become venomous. Every cuts, scratch that you get from me will be a hard wound to heal"


"You don't have to worry" wika ni Ravin "Inaasikaso na sila ng doctor"



Tipid lang syang ngumiti at tumango.

"Matatagalan pa sila kaya kumain na muna tayo" wika ni Ravin saka sila dinala sa dining room.



Iilan lang sila sa hapag kainan dahil umuwi ang ilang mga beta. Napakunot noo sya nang mapansin ang isang lalake na tingin ng tingin sa kanya. May ilang taong mas bata ito kaysa sa kanya. Pero tingin ito ng tingin. She eyed the kid. Nang mapansin nito ang ginagawa nya mabilis itong nagbaba ng tingin.


Si Ravin ay nagpigil ng tawa nang makita ang ginagawa nya.



"Lana" tawag ni Ravin "That's Rove, my younger brother",


"Ahh..."nag abot sya ng kamay "I'm Lana"



Napangiti ito nang makita ang kamay nya. Agad naman nitong tinanggap iyo.


"It's nice meeting you........ate..."

Nanlaki ang mga mata nya at nawala ang ngiti nya. Agad nyang inagaw nag kamay "Sinong may sabing tawagin mo akong ate? Hindi tayo magkapatid.."


The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon