Epilogue

2.7K 93 24
                                    

NAPANGITI si Lana habang nakatingin sa repleksyon sa salamin. The beautiful white dress hugs her body perfectly. The gems and pearls are glimmering.


"What do you think miss Lana?" Tanong ng designer "I think it's already perfect"



Hinarap nya sila Rada "What do you think?"


"Perfect" sagot ni Rada habang sinusuri ang damit na suot nya


"You know, I think you're ready" wika ni Messy


Lumapad ang ngiti sya saka muling tinignan ang sarili sa salamin "I think I am. After some alterations, it's finally perfectly done"


Her hand gently feel the fabric and the beautiful gems. She wants to look perfect on her wedding day. She doesn't want to disappoint Lucas. Masyado na itong matagal na naghintay, pero hindi ito nagreklamo. And she wants to be the most beautiful bride on that day. She wants to make him feel that it's worth the wait.

"Do you want to put the veil on?" Tanong ng designer.



Tumango sya "Yes please"

Mezzy gasped when she saw the veil "Susme naman Lana! Your dress already got a trail, I expected that maiksi lang ang veil mo. Balak mo yatang umabot sa pinto ang haba"


She rolled her eyes "OA ka. Yung trail ng dress hindi naman ganon kahaba. Yung veil may kahabaan dahil magaan lang naman "


"Alam mo tama si Lana. Maganda naman yung combination ng veil at dress, I think sakto lang. Saka isa pa, hindi naman ito 80's para maiiksing veil lang ang gamitin" wika ni Rada.



"Miss Lana ok na" wika ng designer matapos nitong ayusin ang buhok nya at ipasuot ang belo.


She gasped and teared up right away when she saw herself on the mirror. She looks like a real bride. Nakita rin nya ang pagpunas ng dalawa ng luha sa likod nya. She's overwhelmed with the joy.



"It's so perfect" aniya habang  nakangiti"Thank you so much"


Ngumiti ang designer"No problem miss Lana. "



It's the final fitting, after a week idedeliver na ang damit sa bahay nya and the next day will be the wedding. Everything is going according to plan. Nauna pa ngang natapos ang bahay nila kaysa sa kasal. Talagang pinabilis ng ama ni Lucas ang pagpapatapos ng bahay para daw doon na sila uuwi matapos ang kasal.


Finally, they're in a perfect term. Wala ng kahit na anong problema sa kanila ng mga magulang ni Lucas. Amarina became nicer. Mabait naman ang ama ni Lucas actually, may pagkastrict at realistic lang pero pagdating sa ina nito, agad na tumitiklop


Si Kia ang naghanap ng designer ng damit nya pangkasal. Kasama nila sila Amarina at tita Lindsay sa araw ng pagpili nya ng damit at pagsusuot nya. Yun nga lang walang nakasama sa tatlo sa final fitting nya dahil nag aalaga ng bata si tita Lindsay at busy sa business ang dalawa. Mabuti nalang at nakasama sila Rada at Mezzy sa kanya kahit kakabalik lang ng mga to sa mission.

Matapos ang dress fitting nya umuwi na rin sila. Naaawa naman sya sa dalawa dahil alam nyang pagod ang mga ito pero pinilit paring samahan sya. Habang nasa daan nakatanggap sya ng message sa tita Lindsay nya na nandon daw sa bahay nya ang mga ito na nakatambay kasama ang kambal na anak.



Napangiti sya dahil excited na syang makita ang kambal na bata. Speaking of which, akala nilang lahat noon na isang babae ang magiging anak ng tita Lindsay nila. Isinikreto pala nito na kambal ang idinadala. When the chief found out that they had a twin on the day of the delivery, bigla itong hinimatay sa gulat na ikinatawa nila.



The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon