"SURE ka ba na ok ka na? Maybe you need more rest" wika ni Alina
Nameywang sya "Pwede ba, lahat na yata kayo ayaw ako pabalikin sa school. I'm totally fine"
"Yeah, trust me she's fine. " Wika ni Mezzy "Hindi yata yan laking pabebe"
"Kung ganon, sumabay ka na sa sasakyan. Dalawang sasakyan naman gamit namin" wika ni Ravin
"Oh no, I'll use my own car. Sayang naman yung nga sasakyan kung hindi sila magamit. Besides, pinabalik ko na sa Butler yung car ni tita Lindsay. Nakakahiya naman na hiram ako ng hiram. "
"Ilang sasakyan ba meron kayo? Tig isa kayo?" Tanong ni Mezzy "wala naman kaming nakitang mga sasakyan sa garage ah"
"Oh no, nasa underground garage yung mga car. Inayos namin ang pagkakalagay doon para kung may mga bagong car na bibilhin doon na sila sa vacant garage" sagot nya
"Ilang sasakyan ba meron kayo at may pa-underground pa kayo?" Tanong ni Davis.
"Uhh.... Ang huling pagkakaalala ko nasa fifteen? Sixteen? Yeah I think it's sixteen, latest car collection namin lahat yon"
"Buti naman hindi pa butas ang bulsa mo" Mezzy scoff
"Matagal ka ng hunter, nauna ka pa sa org kaysa kay Thirteen. Meaning mas mayaman ka. Kung wala kang gaanong properties ibig sabihin lang nyan.........busog ang bulsa mo" tumingin sya kay Mezzy
Umingos lang ito.
Natatawa syang nailing habang naglalakad palapit sa mini safe box nya. Doon nakalagay lahat ng mga susi ng sasakyan.
"BMW........ Audi......" Iniisip nya kung naong magandang sasakyan "Lambo......ok! Lamborghini it is!"
"Papatayin mo ba sa inggit ang mga estudyante?" Sarcastic na wika ni Mezzy
"No, it's a motivation. If they work hard, makukuha nila lahat ng gusto nila. Of course pag hindi sila nagtrabaho ng maayos wala silang makukuha. Let's go?"
Magkakasunod ang mga sasakyan nila hanggang sa makarating sila ng school. Everyone was gaping at the cars as they drove pass at them hanggang sa maiparada nila iyon sa garage.
"Miss Lana, welcome back" bungad sa kanya ni Gray
"Yeah" mabigat ba wika nya. "I'm back"
Magkakasabay sila nila Russ hanggang makapasok sa room. Natahimik ang lahat nang makita sya. Hindi nalang nya pinansin ang mga ito.
"Ok ka na?"tanong ni Ricky
Nginitian nya ito at tumango "Yeah I'm ok"
Napakunot noo sya nang mapansin na wala si Lucas sa loob ng room pero hindi na sya nagtanong. She doesn't want to spark another fight between her and Janine. Maya maya pa ay pumasok na si Lucas. Saglit itong tumingin sa kanya bago umupo. Nagtatakang tumingin sya kay Ricky. For the passed weeks Lucas never look at her straight like that.
Lumapit sa kanya si Ricky para bumulong "After mong maitakbo sa hospital, nag away sila. Ang sabi sabi hiniwalayan daw ni Lucas si Janine."
"Ah..." Tumingin sya kay Janine. No wonder she looks haggard and mess. She somewhat feels happy pero hindi nya ipinakita iyon. But she couldn't help but make a small smile.
"Tsk!" Umiling iling si Ricky "I can't believe this"
Pasimple nya itong tinampal.
BINABASA MO ANG
The Bad Blood
VampireShe set her own rules. She's believes that a mix breed monster like her is not allowed to fall in love. But then she met this vampire, he's very persistent on entering her life. He made her experience a lot of things, made her feel emotions she neve...