Chapter 37

1.8K 79 19
                                    

HINDI sya mapakali habang naghihintay sa harap ng kwarto. Kasama nya si Levi na parehong hindi matahimik. Hugo looked worse nang dalhin nila ito sa hospital. Napakatagal na ng doktor sa loob ng kwarto ngunit wala paring resulta.




Every second is a torture. They are very desperate for him to heal. Kahit na sinabi ni Ali na maaaring mahirap dahil wala pa daw record ang mga ganong mahika sa libro pero umaasa sya na sana maging maayos ang lahat.



"Doc..." Mahigpit syang kumapit kay Levi nang lumabas ang doktor "Kumusta sya?"





The doctor gave them a sympathetic smile "Kailangan nating mag usap. Please follow me"



Nagkatinginan sila ni Levi bago ito sinundan. Sinusubukan nyang maging posotibo, ayaw nyang isipin na may hindi magandang mangyayari.




Nang makarating sila sa office nito, agad silang umupo at hinintay ang sasabihin nito.



"So? Kumusta sya?" Tanong nya





"Hinanap ko ang solusyon sa lahat ng  libro meron kami, I even asked all of the witch doctors I know kung ano ang maaari naming gawin. " He look at her in the eyes "I'm sorry Lana. We couldn't find anything that could help Hugo."





Natulala sya sa sinabi nito, hindi agad nagsink in sa kanya ang sinabi nito, ganon din kay Levi.



"W-What? Anong ibig mong sabihin? Doc....."nabasa ang kanyang pisngi ng kanyag luha. "Anong...."




"Umabot sa puso nya ang patalim na ginamit. His heart is slowly turning black. Kung hindi dahil sa mahikang ginamit ni Ali, marahil ngayon namimilipit na sya sa sakit. He's slowly dying Lana. He couldn't feel it pero alam nya sa sarili nya na mawawala na sya"






"No! No hindi sya mawawala!" She cried "He was fine.....he was fine! Please do something! Hindi.......hindi sya mamamatay!"





Yinakap agad sya ni Levi pero kagaya nya ay umiiyak din ito. "Wala na ba talagang pag asa? Anything...... anything just please!" Paki usap ni Levi "Not our brother....."




"The thing is......the witch studied a lot of black magic and created different kind of spells kaya wala kaming record sa mga mahikang ginamit nya. If only we know what she used we could've atleast done something. But I'm sorry, even the elders knew nothing. Ginawa ko na lahat, I even asked favors from the doctors I know all over the world pero tulad ko wala silang mahanap na solusyon"





She sobs "Hugo...... Sana ako nalang...he doesn't deserve this"





Yinakap sya ng mahigpit ni Levi "Don't say that Lana. Please don't say that. No one deserves it."




Umiling iling sya "Kasalanan ko to.....kasalanan ko lahat..."






"Lana..." He faced her "Wala kang kasalanan ok" nakikita nya sa mga mata ni Levi na nahihirapan din it ngunit pilit na nagpapakatatag para sa kanya "Kasalanan ito ng halimaw na yon. It was that thing that killed Hugo. Hindi ikaw.."



Tumango  tango sya pero panay parin ang pagdaloy ng luha nya.




"Lana, Levi, mas mabuti siguro kung nandoon kayo sa tabi ni Hugo hanggang sa pinaka huling segundo ng buhay nya. Sa sitwasyon nya ngayon nakikita kong hindi sya magtatagal. Stay by his side until the end " wika ng doctor.




"We will" aniya "Salamat po"



Ngumiti lang ito at tumango.






The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon