Chapter 43

1.9K 70 5
                                    

THE NEXT day ginising sya ni Levi dahil may bisita daw sya. Naghugas sya bago bumaba sa sala. Natigilan sya nang makita sila Ravin at Russ sa sala.




"Maghahanda lang ako ng pagkain"wika ni Levi bago nagtungo sa kusina.



"So?" Umupo sya sa sofa "ba't andito kayo? Don't tell me tulad ng ginawa ng mga pamilya nyo nag usap din kayong pumunta ngayon dito."



"Wala kaming pinag usapan. Lana bakit hindi mo sinabi?" Tanong ni Russ




"Ang alin? Na magkapatid tayo? O ano talaga ako."



"Na magkapatid tayo" ani nito.



Bumuntong hininga sya "Wala talaga akong balak. Becoming someone like me is very hard ang dangerous. Hindi natin alam kung ano ang iisipin ng mundo pag nalaman nila ang totoo. Hindi imposibleng ipapatay nila ako. Yon din ang dahilan kung bakit itinago din ito ng chief"




"But we're your family" giit ni Ravin.




"Your mother was making quite a fuss. Bago ko pa man inilantad ang pagkatao ko, usap usapan na may hinahanap si Christina na anak nya sa ibang lalake. Paano maitatago ang pagkatao ko kung sa ganong klaseng babae ko sasabihin ang sikreto ko?" Napa iling sya."Wala akong balak maging parte ng pamilya nyo. I'm happy on my own. "





"I won't force you" wika ni Russ "Halata namang galit ka. Sinong hindi magagalit? I was furious at my dad nang malaman ko ang totoo. Buong buhay ko, naging mataas ang respeto ko sa kanya. He knows how to handle everything while having fun. Hindi naman sya nagkulang saamin. I thought he was just a fun person, hindi man sya palatawa pero mabait sya. Akalain mo may nagawa syang ganito"




"Your mom must be hurt. Alam ng karamihan na isang mabuting asawa si Vera. Lagi nyang inuuna ang pamilya nya. Sa likod ng kabutihang ginawa nya ito ang matatanggap nya. Wow, she must felt betrayed" napapalatak sya




"She does" pag sang ayon ni Russ "Naramdaman ko ang sakit na nararamdaman nya habang nag aaway sila ni dad. Hindi ipinapakita saamin ni mom ang sakit na nararamdaman nya pero kahit itago nya alam kong sobrang nasaktan sya sa ginawa ni dad"





"You really can't judge a book by its cover. " She scoff "Christina and Danovan made an outstanding performance by putting on a facade and acting in front of their family. "




Dinalhan sila ni Levi ng kape. Kinuha nya ang nakalagay sa harap nya saka uminom.




"Don't get the wrong idea" aniya "Wala akong galit sa inyo o sa pamilya nyo. Hindi ko kayo idadamay sa galit ko kila Christina at Danovan. Wala naman kayong kasalanan. We're in good terms as long as you don't ask me to form a bond with them or get  even just a little close to them. I hate them to the core, at matagal na akong walang amor sa kanila."




Inilapag ni Ravin ang hawak na kape "I'm sorry if I was stubborn. You're right, hindi namin napagdaanan ang napagdaanan mo kay mommy. Hindi nya kami sinaktan o napagbuhatan ng kamay. Kaya hindi ko matanggap ang sinabi mo noon at ipinipilit kong kilakanin mo sya. I still wish na sana magkaayos kayo, pero ayokong mapilitan ka. I want your forgiveness to come from your heart"




"My heart" she scoff "I don't know. I still think hindi ko sila kayang patawarin. I still can't forget that time, when I was still a child and clueless. Christina made me suffer. It was really painful, so so painful. I really wished that I die, but I didn't. Sa totoo lang, wala akong matandaang magandang ala ala mula sa kanila. Or siguro kase wala talaga silang magandang ginawa saakin. It was all torture and sufferings. Kaya kahit anong gawin ko"napa iling iling sya "Wala akong maramdamang awa sa kanila. Wala akong maramdamang pagmamahal"




The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon