NAGTATAKA syang tumingin sa paligid saka hinanap ang ina. May naka empakeng mga damit at nakalagay iyon sa malapit sa pinto. Aalis ba sila? Bakit hindi ito nagsabi? Ni hindi manlang sya nito sinundo sa school o sinabihan bago sya pumasok kanina. Oo at ni minsan ay hindi sya nito inihatid sa school, kahit pa nasa grade two palang sya. Her mom doesn't love her, malinaw sa kanya iyon. She doesn't support her, and concern na kapitbahay pa nila ang tumutulong sa pag aaral nya. Her mom? Isa lang ang sinasabi nito sa kanya.....
Hindi ka dapat ipinanganak. Dapat noon ka pa namatay....
Hindi nya alam ang dahilan ng pagkamuhi nito sa kanya pero hindi naman sya galit sa mama nya. Mahal nya ito, kahit ano pa ang sabihin nito sa kanya hindi sya galit dito. Dahil maaaring may pinagmumulan ang galit nito.
"Mama?" Tawag nya. Inilapag nya ang bag sa sahig saka hinanap ang ina. Nabutan nya ito sa kusina na nagtitimpla ng juice.
Agad na bumakas ang ngiti sa labi nito nang makita sya "Illiana, anak. How's school?"
Napakunot noo sya sa ipinapakita nito. Her mom never smiled at her. Lagi itong galit sa kanya at sinasaktan sya sa mga kaunting pagkakamali nya. Maraming pagkakataon na may mga pasa sa katawan nya dahil sa mga pananakit nito. Pero bakit ngayon parang bumait yata ang mama nya? Gumuhit ng ngiti ang labi nya. Siguro....sa pagkakataong ito ....simula ngayon magiging mabait na ang mama nya. .
"Mama, aalis po ba tayo? Bakit po may maleta sa labas?" Tanong nya.
"Hindi anak, ako lang ang aalis. Maiiwan ka dito. " Ani nito.
Nawala ang ngiti sa labi nya "Iiwan nyo na po ako?"
Umiling ito "Hindi, babalik din naman ako. May gagawin lang ang mommy. Babalik din naman ako agad eh. "
Nawala ang pag aalala nya at muling ngumiti. Hindi sya iiwan ng mommy nya. Babalik ito, naniniwala sya.
"Here" inabot nito sa kanya ang isang baso ng juice "Drink this"
She gladly accepted it. This is the first time na ipinagtimpla sya ng mommy nya. Pero nang tikman nya iyon mabilis syang napaubo at iniluwa dahil sa hindi magandang lasa non "Mommy hindi masarap"
Mabilis na humawak ang dalawang kamay nito sa magkabilang balikat nya at napaigik sya sa sakit dahil sa higpit non "I don't care! Just drink it!"
Muling bumakas ang takot sa mga mata nya "Mommy masakit..."
Mabilis itong bumitaw "Sorry.... sorry anak. " Lumuhod ito at pumantay sa kanya "Vitamins kase ito. It's good for your body. You will get stronger when you drink this. Kung iinumin mo ito, magiging happy si mommy. Gusto mo ba yon?"
Mabilis syang tumango.
Ngumiti ito sa sagot nya "Drink it, for Mommy. "
Napatingin sya sa baso na may laman. Gagawin nya ang lahat maging masaya lang ang mommy nya. Unti unti nyang inilapit ang baso sa bibig at sinimulang ubusin ang laman ng baso. Pilit nya iyong inubos kahit napakapangit ng lasa. It's all for her mom.
Malaki ang ngiti ng kanyang ina nang maubos nya ang laman ng baso. Kinuha nito ang baso mula sa kamay nya at inilapag iyon sa sink.
"Good girl. Now, aalis muna si mommy ha?"
"Pero mommy gabi na" aniya.
"It's ok. I'll be back as soon as I can. Illiana, no matter what don't open the door ok? Kahit sino pa ang kumatok. Huwag mong bubuksan ang pinto hanggang makabalik ako" ani nito
Tumango sya "Yes Mommy"
Lumapad ang ngiti nito saka naglakad papalapit sa pinto at kinuha ang maleta. Her mom look at her one last time before leaving.
Napa upo sya sa isang sulok at yumakap sa mga binti. Hihintayin nya ang pagbabalik ng mommy nya.
Pero habang lumilipas ng oras nararamdaman nya ang sakit na kumakalat sa katawan nya. It spreads like fire, and her small body started to shake. She screamed when an excruciating pain hit her but no voice came out from her mouth.
Tears started falling, the pain is too much. Too much that it could kill her. Pakiramdam nya hindi nya kakayanin. Napakasakit, sobrang sakit. Nahihirapan na syang huminga, tila nawala na rin nag boses nya dahil kahit anong sigaw nya ay walang lalabas sa bibig nya.
Her mom, where's her mom? Ito dapat ang nasa tabi nya. Pero bakit wala ito?
Maybe....because her mom wanted this. For her to die...
By_Red
BINABASA MO ANG
The Bad Blood
VampiroShe set her own rules. She's believes that a mix breed monster like her is not allowed to fall in love. But then she met this vampire, he's very persistent on entering her life. He made her experience a lot of things, made her feel emotions she neve...