Warning* there will be a bit of green words at the end of this chapter. If you can't take that kind of things, just proceed in the nxt chapter 😮But I know, babasahin nyo rin naman so yeah 😜
NAGISING sya sa kalagitnaan ng gabi dahil sa sunod sunod na katok sa pinto. She groaned and fixed herself before opening the door.
"Ravin, alam mo naman kung anong oras na diba?" Inaantok na wika nya "Hindi ba yan makakapaghintay bukas?"
Napatitig ito ng ilang segundo sa kanya bago nag iwas ng tingin "Pwede ba kitang makausap?"
Saglit nyang inaral ang mukha nito. Medyo paos din nag boses nito at parang napaghahalataang umiyak. Niluwagan nya ang pinto at pinapasok ito "Make it quick, I really wanna go back to sleep"
"Lana..." Mahina ang boses nito. Nagulat nalang sya nang hawakan nito ang magkabilang balikat nya "Alam ko na ang sikreto mo. Alam ko.....alam kong magkapatid tayo"
Natigilan sya sa sinabi nito. Mabilis syang nag iwas ng tingin "Ano bang sinasabi mo? Lasing ka ba? Inistorbo m tulog ko tapos yan pa ang sasabihin mo. You know what? Just go to sleep"
"No...no" napalunok ito at tumingin sa mga mata nya "Alam ko na ang totoo Lana. I even confirmed it with mom. Umamin sya. "
Bumakas ang pgkainis at galit sa mukha nya "Hindi tayo magkapatid! Ano bang pinagsasabi mo? You're crazy!"
"Lana" nagulat sya nang tumulo ang luha nito "I'm sorry, pero nagtaka kase ako sa mga nangyari sayo. Your blood wasn't normal kaya pasikreto akong kumuha ng sample at pinadala ko lab. The doctor.....he saw that you have a royal line tapos....tapos he ran a DNA test. Lumabas yung results, magkapatid tayo.."
Nabalot ng galit ang puso nya. Malakas na lumapat ang palad nya sa mukha nito "Anong karapatan mong gawin yon?! Hindi mo dapat ginawa yon! Hindi mo manlang ba naisip na ayaw kong masangkot sa pamilya mo?! Hindi ka dapat nagtaka! Nanahimik ka nalang sana!"
Paulit ulit na lumapat ang palad nya sa pisngi nito. Hanggang sa hinuli nito ang kamay nya.
"Lana I'm sorry, pero pag hindi ko ginawa yon hindi ko naman malalaman na magkapatid tayo"
She scoff "Ano naman kung magkapatid tayo? Huh Ravin? Anong gusto mo magparty party ako sa tuwa?! "
"Lana please, nagkamali si mama. Hindi nya dapat ginawa yon. But you're welcome in our family. You're one of the royal bloods, tanggap ka namin. Dad is willing to accept you" ani nito.
She laugh at his word "Do you think it's this easy? Does she even know now that I'm her daughter? Noong nagkita kami sa gala hindi nya naramdaman na ako ang anak nya. "
Umiling iling ito "No, hindi nya alam. I've decided na itago muna sa kanya. I also considered your feelings on this. Kung ayaw mo sa kanya ok lang,"
"Anong ok lang? Kinamumuhian ko ang babaeng yon! And you, sending my blood in that lab is a mistake! Sa ginawa mong yon, maaaring malaman ng mundo kung ano ako! And when that happens papatayin ako ng lahat! Dahil sa ginawa mo hindi ka na naiba sa ina mo! "
"Ok, ok" he tried calming her "I will ask them to return the blood ok. Lana, magkapatid tayo. Hindi ka ba pwedeng matuwa manlang na may kapatid ka? Susuportahan kita sa lahat ng bagay, I'm your brother"
"No!" Sumbat nya "Bakit ako matutuwa?! Kung hindi ka galing sa babaeng yon oo matutuwa ako. Well nakita mo na rin ang kahayupan ng nanay mo, bakit hindi natin sagadin. Do you know........that the man who impregnated your mom, my father, was at the gala that night?"
BINABASA MO ANG
The Bad Blood
VampirosShe set her own rules. She's believes that a mix breed monster like her is not allowed to fall in love. But then she met this vampire, he's very persistent on entering her life. He made her experience a lot of things, made her feel emotions she neve...