Chapter 38

1.9K 75 8
                                        

LUMIPAS ang isang araw tulala parin sya. Habang nakatingin sa labas, yakap yakap nya ang paboritong damit ni Hugo. Her tears stopped, but her mind is filled with flashback memories. They had so much memories in this house lalo na nang lumipat sila dito. And now, pakiramdam nya ang laking parte ng pagkatao nya ang nawala kasama si Hugo.

Hindi sya lumalabas ng bahay. Pareho silang nakatambay lang ni Levi at walang imik. Kung siguro ang ibang tao, mabibingi na sila sa katahimikan.  Halos araw araw silang dinadalaw ng chief at tita Lindsay nila dahil sa pag aalala.

"Lana"

Napalingon sya "Ano yon Mezzy? Ba't napadalaw ka?"

Humalukipkip ito at sumandag sa pader "I know you're still mourning but......the organization needs you"

Muli syang tumingin sa labas at hindi umimik.

"That witch appeared again. She tried to attack another witch pero buti nalang nakatakas pa sila. She's making quite a mess. Kailangan nyo ng bumalik" ani nito

"Wala manlang akong panahon para magluksa" mahinang wika nya.

"Hindi ba dapat pagbayarin mo sya sa ginawa nya? Sa pagkuha nya kay Hugo? You need to make her pay, malaki ang sisingilin mo Lana. At hindi mo yon magagawa sa mumukmok lang dito. We need to kill that biatch"

Napakuyom sya, unti unting nabubuhayan ang galit sa puso nya "Tama ka. Malaki ang utang nya. Pero ako lang ang babalik. Halos kalahati ng pagkatao ko ang nawala nang mawala si Hugo. Ayokong pati si Levi mawala saakin. Ayokong makitang mawala lahat ng mga taong  naging tunay ko pamilya"

"Sinong may sabing papayag ako dyan?" Wika ni Levi na kakarating lang "Hindi lang ikaw ang maniningil Lana. "

"Levi" umiling sya "Ako na, wag ka ng sumali dito. "

Bumuntong hininga ito at linapitan sya "My life is divided into two. The other half is Hugo, the remaining half is you. Pag nawala ka wala na rin akong dahilan para mabuhay. Just like Hugo, naging maayos at masaya lang ang buhay ko nang mabuo tayong tatlo. Ang for him, gagawin ko ang lahat mapagbayad ko lang ang halimaw yon. There's nothing to fear Lana. Let's do this together."

Huminga sya ng malalim bago tumango. She needs to finish this, at bumalik kay Hugo upang sabihin na nagtagumpay sya.





Habang nasa daan nagpadala sya ng mensahe kay Rada. Ipinatawag nya ito dahil alam nyang malaki ang maitutulong nito kahit isa palang itong trainee. Rada is quite smart after all.

As soon as they arrived she and Mezzy wore their mask and entered the hall. Natahimik ang ilang kapitan nang makita sya.

"We need to figure out how to eliminate that witch" wika ni Dallas. "Normal magic won't work on her. Even a strong spell formation didn't had an effect"

"Paano ang witch community?" Tanong ni eight"wala ba silang solusyon?"

"I doubt" aniya "Ang akala siguro nila ay hindi na ito makakalabas. "

"Do you know something about this with thirteen?" Tanong ni Four

"Aksidente lang" sagot nya "When I was on a mission may nakita kaming abandoned place. Pakiramdam ko may kakaiba doon kaya kinunan ko ng litrato dahil naisip kong maaari kong gamitin iyon sa personal na rason. After asking a witch friend, doon ko nalaman na konektado ang lugar na yon sa halimaw na kalaban natin ngayon"

"Anong lugar yon?" Tanong ni Eleven.

"Ang lugar kung saan nila sinubukang patayin ang babaeng yon. The place that the ancient witches created to eliminate her but unfortunately it didn't work dahil ang sabi may kulang o mali. That's why they had no choice but to lock her up using her husband's soul" sagot nya.

The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon