NAWALA ang ngiti nya nang maka uwi sya nang maabutan nyang sasampalin sana ni Sasha si aling Mercedes. Agad syang pumagitna at hinawakan ang kamay nitong dadapo sana sa ginang.
"Ate!" Sigaw ni Sandra nang makita nito ang nangyari
"Ano nanaman ba ang problema mo?" aniya dito
"Wala kayong pake alam!"sumbat nito saka muling hinarap ang ginang "Akin na kase yung pera!"
Sasaktan nanaman sana nito ang matanda nang pumagitna si Sandra. Pero hindi nagpapigil si Sasha at tinulak ang kapatid. Sya na ang pumagitna para pigilan ito.
"Tabi sabi!" Sigaw nito
Sa inis nya, naitulak nya ito. Natumba si Sasha at malakas na napaupo sa sahig.
"Kailan ka ba titigil ha?! Wala ka ng respeto sa nanay mo" aniya
"Wala kang pake alam!" Sumbat nito saka tumayo "Taga labas ka lang naman! Palamunin ka sa bahay na to!"
"Baka ikaw ang palamunin! Oo taga labas ako Sasha pero kumpara sayo mas nagmumukha akong anak ni nanay! Wala ka ng ginawa kundi magwaldas at humingi ng pera. Hindi ka mayaman!"
"Wala kang pake alam" sigaw nito saka sya tinangkang sampalin pero muli nya itong itinulak.
"Sige!" Hamon nya "Sampalin mo ako! Pero gawin mo yon at makikita mo hindi ako magtitimpi!"
Masama ang tingin nito sa kanya, galit na galit itong umalis ng bahay.
"Ang babaeng yon!" Inis na wika ni Sandra "Minsan na nga lang umuwi ang paghingi pa ng pera ang gagawin nya. Nalugi na nga lang yung negosyo natin dahil sa kanya!"
"Hayaan mo na" wika ng ginang "Kapatid mo naman"
"Nay,hindi porke't kaptid ko eh kukunsitihin nyo na. Dapat nga si ate ang unang tumutulong sa inyo dahil sya ang panganay" wika ni Sandra "Ang hirap hirap na nga ng sitwasyon natin. Ayan, kaninang umaga nanghihingi nanaman si Marco ng pera dahil malapit na daw exam nila tapos magbabayad pa ng kuryente. Buti naman sana kung hindi natin inuupahan itong bahay. Nay, kahit manghingi si ate wag na wag nyo na kaseng bibigyan"
"Tama po si Sandra nay" sang ayon nya "Buti naman sana kung maganda ugali ni Sasha hindi naman" naglabas sya ng pera mula sa bulsa "Heto, pambayad ng kuryente. Nakahingi pa ako ng tip kanina sa pinagdeliveran ko. Yung sa may ipinsuyo mo. Three hundred din yan"
"Naku Lana wag na" wika ng ginang "Sayo dapat ang pera mo"
"Ano ba kayo nay, wala naman akong pinagkakagastusan eh. " Aniya
Kinuha ni Sandra ang pera "Pasensya na kung pinasuyo ko sayo yung delivery kanina. Bigla lang kaseng sumakit ulo ko. Kumusta nga pala yung result ng exam? Nakapasa ka ba"
Ngumiti sya "Oo naman, nanguna yata ako"
Mabilis na bumakas ang tuwa sa dalawa.
"Naku sabi ba nga ba magagawa mo" wika ng ginang
"Yun na nga eh. Week days sa dorm ako, sa weekend uuwi ako para tumulong dito. " Aniya
"Wag na" wika ni Sandra "Mas maganda kung mag focus ka doon"
"Sus!" Napa iling sya "Focus sa alin? Kaya ko na yon. Importante matulungan ko kayo"

BINABASA MO ANG
The Bad Blood
WampiryShe set her own rules. She's believes that a mix breed monster like her is not allowed to fall in love. But then she met this vampire, he's very persistent on entering her life. He made her experience a lot of things, made her feel emotions she neve...