Chapter 1: Matalik na kaibigan

1.3K 67 0
                                    

Marvin's pov:

"Bakit ba ayaw ninyong maniwala sa lahat ng sinasabi ko..??!! " gigil na gigil kong sabi sa aking mga magulang..

"Hindi mo kailangan pang makielam sa kanila anak..." ma awtoridad na sabi sa akin ng papa...

"Intindihin mo naman sana anak... ikaw lamang ang inaalala namin ng iyong ama..." yumakap sa akin ang mama at muli akong pinahiga sa aking kama...

"Paano si Ariane... ano na nangyari sa kaibigan ko...? " mahina kong tanong sa aking mga magulang..

"Magpahinga ka na anak... " hinalikan ako ng mama sa noo kaya naman napilitan na akong ipikit ang aking mga mata...

Kailangan kong magpagaling... kailangan kong mabawi ang aking lakas upang magawa kong tumistigo sa lalaking lumapastangan sa kaibigan ko...

Naikuyom ko ang aking mga palad habang mariin ang pagkaka kagat ng ngipin,,

Tumayo ako at pumunta ng banyo, mula sa repleksyon ng salamin ay kitang kita ang ilang benda na nakapalibot sa aking braso ..

Maliliit lamang ng mga lapnos na nakuha ko mula sa nasusunog na kubo, ngunit tuwing lilinisin ito ay halos himatayin ako sa hapdi at kirot.

Habang patuloy na nakatingin sa repleksyon ko sa salamin ay unti unting tumulo ang aking luha..

Ang ospital na pinagdalhan sa akin ng aking mga magulang ay pribado. Mahuhusay ang mga doktor at makabago ang kagamitan,,

Ngunit hindi kayang gamutin ng ospital na ito ang trauma na inabot ko dahil sa gabing iyon,,

Lumabas ko ng banyo at sumilip sa bintana. Maganda ang tanawin dahil napapalibutan ang kalsada ng palamuting pang pasko,

Ngunit kahit kaunti ay hindi ko nakaramdam ng kasiyahan. Dahil nagdadalamhati ang aking puso dahil sa nangyari sa matalik kong kaibigan..

Mga kaibigan, ako si Marvin Castro.. pakingan ninyo ang aking kwento.. at tulungan nyo akong hanapin ang hustisya para kay Ariane. Ang matalik kong kaibigan...

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon