Chapter 14: Kasalanan ni Jay (4)

759 49 0
                                    

Sir Jay's pov:

Agad kong nakita ang likod ni Ariane na kampanteng naghahagilap ng librong pinahahanap ko...

Napangiti ako at nag lock ng pinto... akin si Ariane... Akin lang...

Dahan dahan akong lumapit sa kanya ngunit bago ko pa mahawakan ang kanyang katawan ay biglang may sumungaw mula sa kabilang bookshelves...

"Ay sir...!! Nandito ka na pala....!! " bati naman sa aking ng isang estudyante.. agad akong humakbang palayo kay Ariane..

Naikuyom ko ang aking palad habang nakatingin sa estudyanteng kasama ni Ariane.. magandang bata din sya ngunit galit ang nararamdaman ko ngayon dahil balakid sya sa mga plano ko..!!!

Humarap naman sa akin si Ariane at inabot ang librong pinahahanap ko......

"Kompleto na po iyan sir... uuwi na po kami ni Mona.. " hinawakan nya ang kamay ni Mona at sabay silang lumabas sa library.. naiwan akong napupuyos sa galit...

Ilang beses ko pang tinangkang masolo si Ariane ngunit talagang mautak sya dahil lagi nya akong nalulusutan.. inis na inis at galit na ako sa tuwing papasok sa kanilang classroom.

Madalas na akong mag paquiz at halos lahat naman ay hirap na hirap sa pagsagot sa aking mga exam..

"Malaki ang ibinaba ng inyong class standing... karamihan sa inyo ay babagsak..." napangiti ako ng lihim ng makita ang pagkabahala sa mukha ni Ariane...

Tama ... Ibabagsak ko sya sa kanyang subject para mapilitan syang makiusap sa akin...

Nang isa isa kong bangitin ang mga pangalan ng mga nanganganib bumagsak ay isa isa silang umalma... ngunit nanatili ang kalituhan sa mukha ni Ariane...

Ng matapos ang klase ay sinabihan ko ang mga estudyanteng nanganganib bumagsak na magpaiwan sa kanilang class room dahil magkakaroon kami ng make up class...

Pitong babae at sampung lalaki ang naiwan sa class room ng muli ko silang puntahan..

Si Ariane naman ay nasa may dulong bahagi ng upuan at katabi si Mona..

Lalo kong pinahirap ang lecture at lalo namang nangamote ang kanyang mga kaklase habang pilit namang iniintindi ni Arian ang aking lecture. ..

Alam ko ang ugali ni Ariane.. siguradong pupunta sya sa Library para maghanap ng librong makakatulong sa kanya upang mas maintindihan pang lalo ang lecture..

Pero alam kong natatakot na sya sa mga kinikilos ko.. kaya naman nakaisip ako ng paraan upang maisahan ko sya..

Ng matapos ang make up class ay sabay sabay kaming lumabas ng aking mga estudyante.. nilibre ko pa sila ng meryenda bago nagpaunang sumakay ng jip..

Nang masigurong nakalayo ng ng bhagya ang jip na sinasakyan ay pumara ako at nagtago sa eskenita..

Nakita ko namang nagsi uwian na ang iba habang bumalik sa loob ng eskwelahan si Ariane.

Napangisi ako.. dahil siguradong walang kawala si Ariane sa akin ngayon..

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon