Chapter 8: Panig ni Jay

741 52 3
                                    

SIR JAY'S POV:

Ilang araw na akong balisa at hindi makatulog.. lagi akong dinadalaw ng mga panaginip ng mga ginawa kong hindi maganda sa aking mga estudyante..

Naturingang pangalawang magulang ngunit ako pa ang kauna unahang sumisira sa kanilang pagkatao..

Umupo ako mula sa kama at lumingon sa aking misis.. wala syang kamalay malay na isang halimaw pala ang lalaking pinakasalan niya,,

Matatangap nya kaya... kung malalaman nya ang mga ginawa kong kasamaan.?

Dahan dahan akong bumangon at tumingin sa bintana.. maganda ang kapaligiran at puno ng dekorasyon na pang pasko..

Ngunit takot at konsensya ang bumabalot sa aking puso at hindi ligaya sa papalapit na pasko..

Nung nakaraang linggo ay nakatangap ako ng tawag mula sa co-teacher ko sa probinsya…

Isinugod daw sa ospital si Marvin at Ariane dahil sa mga lapnos na natamo nila mula sa nasusunog na kubo…

Ito ang dahilan kung bkit sinusundot ako ng aking konsensya…

Unting unti nag balik ang aking alaala sa nakaraan....

Mga kaibigan… ako si Jay Ramires  … guro ni Ariane at Marvin… pakingan nyo ang aking istorya… at kayo na ang humusga sa nagawa kong kasalanan …

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon