Pasing's pov:
Halos baliktarin ko na ang buong bahay ngunit hindi ko parin makita ang perang gagamitin ko pang enrol sa aking anak...
Maluha luha na ako sa sobrang inis...!! Wag naman sana..!!! Wag naman sana..!!!!
Napalingon ako kay Cardo na pumapanik sa maliit na hagdanang kawayan papasok sa munti naming bahay..
Lasing na lasing ito tatawa tawa pa habang nagkakamot ng tiyan..
"Nasan ang pera...!!!!?? " bungad ko agad sa kanya.
Kilala ko si Cardo. Alam kong ninakaw nya ang pera para kay Ariane,, huwag naman sanang naubos na nyang lahat...
"Tigilan mo nga ako Pasing at pagod ako...!! "Sigaw nya sa akin at malakas akong tinabig..
Nag init ang ulo ko... "pagod...?? Saan ka napagod.? Sa pag hilata sa araw araw na ginawa ng dyos? "
Galit nyang hinawakan ang aking braso at pinisil ito nang madiin. Agad naman nangitim ang parteng hawak hawak nya.. "tantanan mo ako sa kakasalita mo Pasing... pag hindi ako nakapagpigil malulupo ka sakin...!!' " itinulak nya ako sa pinto.. bumagsak ako sa maputik na lupa sa labas ng bahay..
Pinilit kong makabangon ng makahawak ng pamalo ay ubod ng lakas ko syang pinagpapalo ng dos por dos.!!
"Ibalik mo ang pera...! Para sa anak ko yun.!! " sigaw na ako ng sigaw at nagsilabasan ang ang mga tsismosang kapit bahay.' Ngunit isa man sa kanila ay walang tumulong.
Nagawa akong sipain sa tiyan ni Cardo. Napahiga ako habang namimilipit..
Paulit ulit nya akong pinagsisipa hangang sa dumating si Ariane .
Napatigil sa pagsipa si Cardo at takot na takot namang sumiksik sa sulok si Ariane.
nang tumalikod si Cardo ay nakita ko ang maliit na kutsilyong nakatarak sa likod ng lalaki..
Hinablot nya ang buhok ni ariane at ubod ng lakas na sinampal nya ito. Napabagsak sa sahig si Ariane. Inangat sya ni Cardo at malakas na inihagis sa dingding.!!!
Agad na nawalan ng malay si Ariane . Agad kong binunot ang patalim at iniamba ito sa lalaki.. kung hindi nagawang patayin ni Ariane ang hayup na ito dahil sa saksak pwes magagawa ko. Tatadtarin ko sya hangang sa hindi na sya humihinga.!!!
Nagpambuno kami sa maliit na kutsilyo hangang sa mahulog ito sa silong.' Agad akong sinapak sa mukha at padapa akong bumagsak..
Ang akala ko ay kamatayan ko na. Buti nalamang ay dumating na ang mga barangay tanod.. hinuli nila si Cardo habang dinala kaming dalawa ni Ariane sa center para malunasan ang mga sugat..
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
Ficción GeneralMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...