Pasing's pov:
Nagising ako sa mabining pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha… nang magmulat ako ng mata ay ang mukha ng aking anak ang una kong nakita…
Putok ang labi at nanlalalim ang mata… alam kong masakit ang kanyang katawan… dahil ganun din ang pakiramdam ko ngayon…
Hinawakan nya ang aking kamay at masuyong inlagay ito sa kanyang pisngi… magkasabay kaming lumuha dahil sa mapait na karanasan namin sa malupit na lalaking iyon…
"Nakakulong na ngayon ang tiyo Cardo Nanay… kahit paano ay mapapanatag na ang kalooban natin…" lambing nya sa akin habang umiiyak…
"Naku misis hindi po namin pupwede i enrol ang anak ninyo lalo na at ni partial payment ay wala akong mai present…" magalang na sabi ng front desk officer na napagtanungan ko…
"Bka naman pupwedeng ienrol na sya kahit 300 lang muna.. huhulughulugan ko na lang po.. " nagkandaiyak na ako habang nakikiusap..
Tinangka kong mangutang muli sa senyor ngunit wala.. galit na galit pa nga sya at sinabihan pa ako ng makapal ang mukha..
Wala naman ngayon si Marvin dahil pinagbakasyon ng senyor sa mga lola nito sa maynila..
Muka namang sinandya talaga ng senyor iyon ..
"Hindi po talaga pupwede misis… pasensya na po kayo…" magalang paring sabi ng babae…
Malungkot naman ako nang magpaalam ako sa kanya…
Maya maya pa ay muli nya akong tinawag… "misis itry nyo pong kumuha ng scholarship kay mayor…"
Tumango tango naman ako at nabuhayan ng pag asa…
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
General FictionMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...