Marvin's pov:
"Marvin… Marvin…!! " napalingon ako kay Ariane na para bang takot na takot..
Gabi na at kanina pa dapat nakauwi ang mag ina kaya naman nagtataka ako kung bkit naririto sa sa aming bakuran…
"MARVIN…!!! " kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata habang nag susumiksik sa mga halamang nakatanim sa gilid ng pader.
"Bakit ka ba nandyan…? Hindi bat kanina pa kayo umuwi ni Aling Pasing.? " lumapit ako sa kanya at pilit syang hinila papalapit sa akin..
"Kailangan ko magtago… lasing nanaman ang Tiyo Cardo… sinasaktan nya ang nanay kaya naman tumakbo ako papunta dito… sasaktan nya din ako…" niyakap ko ng mahigpit ang aking kaibigan… ramdam ko ang pag nginig ng kanyang katawan…
"Halika … dun tayo sa kwarto ko……" hinila ko sya papasok sa loob ng bahay…
Ngunit sinalubong kami ng nakakunot noong mukha ng aking ama…
"Anong ginagawa nya sa loob ng bahay …? " humakbang pababa ng hagdan ang aking ama..
Kasabay naman nito ay ang pagkalabog ng malakas ng aming gate..
"Ariane…!!!!! Alam kong nandyan kang bata ka…!!! Kanina ka pa hinahanap ni Pasing…!!!! " sigaw ni Cardo…
Humawak sa aking kamay si Ariane at tumingin sa aking mga mata na para bang nakikiusap at humihingi ng tulong...
Lumingon ako sa aking ama at nakiusap… "lasing ang lalaking iyon papa… sinasaktan nya si Ariane at si Aling Pasing… " lumapit ako kay papa at humawak sa kanyang kamay…
"NESTOR…!!!! " sigaw ng papa.. agad namang lumapit ang bago naming driver..
"Ilabas mo ang batang yan…!!! " dahan dahang nanlaki ang mata ko sa pagkagulat. Lumingon ako kay Ariane na hinila ni Mang Nestor palabas ng bahay..
Rinig na rinig ang pagpalahaw ng pag iyak ni Ariane habang kinakalad kad sya ng kanyang Tiyo Cardo papalayo..
"Tandaan mo Marvin…hindi ka dapat makielam sa problema ng iba… " malamig nyang sabi habang hinila ako papunta sa aking kwarto…
Ng gabing iyon ay napatunayan ko na ang dahilan kung bakit karamihan ng mga tao sa aming baryo ay galit sa aming mga Castro…
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
General FictionMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...