Chapter 18 Anyare (2)

761 52 0
                                    

Marvin's pov:

Wala akong nakuhang kahit anong sagot mula sa kanya nang gabing iyon... panay lang ang kanyang pag iyak habang yakap yakap ko sya...

Alam kong may hindi magandang nangyari... kaya naman alalang alala ako sa kanya...

Kinabukasan ay hindi sya pumasok... si sir Jay ang una kong hinanap pagkadating na pagkadating pa lamang sa eskwelahan...

"Wala na si Sir Jay... naka leave sya ngayon dahil may importanteng aasikasuhin sya sa maynila..." tila kabadong sabi sa akin ni Ms Alma...

Malilikot ang mga mata nya at hindi magawang tumingin sa aking mga mata...

"Ah halika na at umpisa na ng klase..."

Nang tuluyang mafile ang resignation ay nagumpisa na ang usap usapan ng mga estudyante...

Pinatalsik daw ang guro at hindi totoong nag resign...

Nakabuntis daw ito ng estudyante...

May nakahuli daw sa kanila ni Ms Alma na gumagawa ng milagro sa faculty...

At manyak daw ...

Alin man duon ay hindi na nabigyan ng kasagutan...

Si Ariane naman ay nananatiling tahimik tungkol sa pag alis ng guro at sa tuwing magkalsalubong sila ni Ms Alma... halatang halata ang tensyon sa pagitan nilang dalawa...

Malaki na ang pinagbago ni Ariane simula nang mawala ang guro,. Ilag na ilag na sya sa mga lalaki.. nagpapasalamat ako at hindi ako kabilang sa mga lalaking iniiwasan nya..

Matiwasay naman kami naka graduate ng highschool..

Kasama ni Ariane si aling Pasing na umakyat sa stage. Kitang kita ang pagmamalaki at katuwaan sa muka ni aling Pasing habang sinasabitan ng medalya ang kanyang anak..

"Pinagmamalaki kita anak... ang galing galing mo..." tuwang sabi ni aling Pasing sa nakangiting si Ariane......

Lumapit silang dalawa sa akin... kinamayan ako ni aling Pasing habang niyakap naman ako ni Ariane...

"Salamat Marvin dahil lagi kang nandyan para sakin... kung hndi dahil sayo bka hindi ko na nakayanan pa ang mga nangyari..." bulong nya sa aking tenga...

Alam kong dinaramdam parin ni Ariane ang kung anu mang trauma na napagdaanan nya... sigurado akong malaki ang kinalaman ng guro na iyon...

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon