Pasing's pov:
"Lolo…!! Nasaan ang sasakyan ko.?! " malakas na sigaw ng lalaki sa kanyang lolo..
"Cedrick iho sa bahay na tayo mag usap…" malumanay na sabi ni Mayor…
Napalingon naman sa gawi namin ang binata… agad syang ngumisi habang nakatingin sa aking anak…
"Well well… what do we have here lolo…? " itinukod nya ang dalawang kamay sa mesa at inilapit ang kanyang mukha kay Ariane..
Nagtataka namang nagpapalit palit ng tingin ang Mayor kay ariane at kay Cedrick.
"You know her…? " takang tanong ng mayor..
"Ofcourse lolo.. are you here for the scholarship baby.? " nakangising sabi nito habang nakatingin kay Ariane
Kumunot naman ang kanyang nuo pero maya maya ay tumango..
Ngumiti naman ang lalaki at tumingin sa kanyang lolo.."you can have the car lolo… just grant her the scholarship…"
Tumalikod na ang lalaki at naglakad papunta sa pinto ngunit tumigil ito at lumingon kay Ariane.. "see you later baby…" nakangisi ito at bahagya pang kumaway…
Kunot naman ang noo ni Ariane ngunit nananatiling tahimik…
Nakita kong may pinirmahan si Mayor na papel… at nang iabot nya ito kay Ariane unti unting napangiti ang aking anak…
"Salamat po Mayor… " nakangiting sabi ni Ariane
"Kay cedrick ka magpasalamat… mukhang magkakilala talaga kayo"
Nang marating sa aming bahay ay kinausap ko ng masinsinan ang anak kong si Ariane..
"May relasyon ba kayo nung cedrick…?" Bungad ko sa kanya pagkaupong pagkaupo palang namin..
Kumunot naman ang kanyang mukha…"wala po... sya po yung laging nambubully sa amin ni Marvin nuon.. "
Kinabahan naman ako sa kanyang sinabi.. Kilala at maimpluwensya ang Mayor dito sa aming baryo kaya natatakot ako na baka lalo lamang syang kunsumihin nang lalaki at baka makaapekto pa ito sa kanyang pag aaral..
"wag po kayo mag alala Inay.. hindi naman po ako magpapabaya sa aking pag aaral.." malambing nitong sabi sa akin..
"ikaw na lamang ang pag asa ko anak.. wag mo sana akong bibiguin.. alam kong malapit ang loob nyo sa isat isa ni Marvin.." kumalas naman sya sa pagkakayakap sa akin at nagtatakang tumitig sa aking mukha..
"wala po kaming relasyon ni Marvin inay.. kaibigan ko lang po sya.. wag po kayo mag alala.. hindi ko po kayo bibiguin.." muli syang yumakap sa akin.. at sa pagkakataon na iyon ay napanatag na ang aking kalooban....
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
General FictionMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...