Chapter 26: Sutil (2)

703 40 0
                                    

Pasing's pov:

Unang araw na ng klase at maaga pa lamang ay nakagayak na ang aking anak.. suot ang kanyang bagong uniporme,  kitang kita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha habang nakaharap sa salamin..

"napakaganda talaga ng aking anak...." lumapit ako sa kanya at sinuklay ang kanyang mahabang buhok..

ngumiti naman sya sa akin at nag salita.. "Inay.. maraming salamat sa lahat ng pasusumikap ninyo para sa akin.. mahal na mahal ko po kayo.." nang yumakap sya sa akin ay pilit kong pinaglalabanan ang aking mga luha..  

"halika na at malayo layo pa ang lalakarin mo papunta sa sakayan ng traysikel.." hawak kamay kaming lumabas ng bahay.. 

nang makarating sa sakayan..        " Mag-iingat ka anak.."  hinalikan ko ang kanyang noo habang kumaway naman sya sa akin.. 

masigla ang bawat kilos ko habang naglilinis sa bakuran nang senyor.. konting tiis na lamang ay makatitikim na ako ng konting ginhawa.. mabuti nalamang at ang aking anak ay responsable at maasahan hindi tulad ng ilang mga kabataan ngayon na walang ibang inatupag kundi ang mag nobyo nang mag nobyo...

"Pasing, halika at samahan mo akong mag grocery sa bayan.. " nakangiting utos sa akin ni madam.. ina ni Marvin

tumango lamang ako at sumunod sa kanya.. habang lulan ng sasakyan ay panay ang pagkukwento ng Madam tungkol sa ginawa nyang pagbisita sa Maynila kasama si Marvin nitong nagdaan na bakasyon.. tahimik naman akong nakikinig sa kanya.. 

mapuno at matalahib ang daan tinahak namin papuntang bayan.. habang nakakalibang pagmasdan ang mga punong idinuduyan ng hangin..

kumabog ang aking dibdib ng maraanan ang isang pigura... hindi ko alam kung totoo ba o nagmamalikmata lamang ako.. dahil sa mabilis ang takbo ng sasakyan ay agad namin itong nalampasan.. agad naman akong lumingon sa bintana ng likurang sasakyan... puno ng kaba at takot sa aking dib dib.. dyos ko  wag naman po sana.!

"bakit Pasing.. ? anong meron.. ?" takang tanong naman sa akin ni Madam..

lumingon ako sa kanya at marahang nag salita.."palagay ko po ay nakita ko ang aking kinakasamang si Cardo sa may tabi ng punong iyon.."

natahimik naman sya .. marahil maging siya ay nakaramdam ng takot dahil sa aking sinabi.. ang pag kakaalam ko ay nakakulong ngyon si Cardo dahil sa halos patayin na nya kaming mag ina sa bugbog.. natatakot akong isiping nakalaya na sya at ni hindi man lang namin nalaman..

kung nagawa nya kaming saktan dahil lamang sa hinanap ko sa kanya ang tatlong libo,... anu pa kaya ang makakaya nyang gawin ngayon kami ni Ariane ang dahilan kung bakit sya nakulong....?

hangang sa loob ng pamilihan ay lumulutang ang aking isipan dahil sa sobrang pangamba...

"madam...."  pukaw ko sa kanyang atensyon.. lumingon sya sa akin at tila nag hintay sa susunod kong sasabihin...

"maari po ba tayong pumunta sa police station pagkatapos nating mamili.?"  mahina kong sabi sa kanya.. tumingin lang sya sa akin at bahagyang tumango..

"sige..."

(sa police station)

"Anong ibig ninyong sabihin..!!!" halos mapugto ang hininga ko sa kakasigaw sa mga pulis..

"maghunos dili  ho kayo misis.. " awat naman sa akin ng isang pulis..

"kung hindi ho kayo hihinahon ay maari namin kayo makasuhan.." pananakot naman sa aking isa..

"tama na Pasing umuwi na tayo.. hapon na at baka pauwi na ang mga bata..."  malumanay na sabi sa akin ni madam

puno ng kaba ang aking puso.. kung nakalaya si Cardo.. malaki ang potensyal na si Cardo nga ang  nakita ko sa tabi ng puno...

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon