Marvin's pov:
Mula pa sa pagkabata ay malapit na ang aking loob kay Ariane at sa kanyang ina... si aling Pasing ang aking nakagisnang yaya...
"Anak... hindi bat ang sabi ko sayo ay wag kang maglilikot...?!! " saway ni aling Pasing sa kanyang Anak..
"Pasensya na nay nangangawit na kasi ang puwet ko sa kakaupo dito sa batuhan... hindi po ako makakagawa ng assignment ko ng maayos..." hinging paumanhin naman ng anak...
Nagpatuloy na lamang ang ina sa pag wawalis sa malawak na bakuran...
"Pasing...!!! Pasing...!!!! Anak ng teteng naman oh..!!! Pasing anu ba..!!!! " malakas namang sigaw ang nagmumula sa labas ng gate.
Namutla naman si Pasing at nagmamadaling pinagbuksan ng pinto ang lalaki..
"Alam mo namang hindi ka pupuwede dito Cardo... mahuhuli tayo ni Madam..." pilit namang humaharang sa daraanan si Aling Pasin kay Mang Cardo ngunit nagpupumilit paring pumasok ito sa loob ng aming bahay.
Agad itong nag bukas ng ref at naglabas ng pagkain... kumuha ito ng pingan at umupo sa lamesa at nag umpisang kumain...
Panay naman ang saway ni Aling Pasing ... mukang napika na ang lalaki kayat ubod ng lakas nya itong sinampal...
Agad naman akong nagtago mula sa pagkakasilip sa bintana... maya maya pay tumayo akong muli at sumilip...
Duguan ang labi ni aling Pasing habang patuloy sa pagkain ang lalaki na akala mo bay walang nangyari...
Nagawa pa nyang sumalampak sa sofa habang nanunuod ng boxing... habang panay naman ang pag iyak ng aking yaya...
Lumingon ako sa batang babae... tila normal lang sa kanyang makitang sinasaktan ang kanyang ina kaya naman patuloy lamang sya sa pagkukulay sa kanyang libro...
"Bakit ganyang ang kulay ng pisngi mo...? " tanong ko sa kanya ng makalapit ako at matignang mabuti ang kanyang mukha..
Tumingala sya sa akin at nagsalita "lasing ang tiyo Cardo kagabi kaya naman naisipan nyang manampal... " bale wala nyang sabi...
muli nyang ibinalik ang kanyang mata sa librong kinukulayan...
"Anong Grade ka na...? " pagkaraan ay tanong ko sa kanya.
"Grade one..."
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
Ficción GeneralMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...