Chapter 28: Cardo

655 37 0
                                    

Cardo's Pov:

kulang sa tulog...gutom at  pagod na pagod.. yan ang nararamdaman ko simula ng magtago ako mula sa mga pulis na humahabol sa akin.. ilang bayan at probinsya na rin ang pinuntahan ko para makapagtago lamang..

Umuulan at maputik na ang kalsadang dinadaanan ko ngunit patuloy parin ako sa pagtakbo.. mahirap na.. ayokong makulong.. 

napatigil ako sa isang luma at abandonadong gusali.. kung sa normal na araw ay hinding hindi ko magagawang pumasok dito dahil matatakutin ako sa multo.. nakakatawa hindi ba.. ako  si Cardo.. walang puso at bayolenteng lalaki.. takot sa multo.??? haha nakakatawa.. ngunit hindi ko na ininda ang takot. ang importante sa akin ay ang makasilong mula sa papalakas na ulan.. 

sinalubong ako ng maalikabok , madumi at masang sang na amoy na nagmumula sa gusali..  ngunit derederetso lamang ako at humanap ng mahihigaan..  

malamig ang simoy ng hangin.. marami din akong nadaanang mga tindahan at kabahayang may mga nakasabit na palamuting pang pasko.. mga parol at christmas lights.. mag papasko na pla.. ni hindi ko ito naramdaman dahil patuloy lang ako sa pagtakbo mula sa mga pulis na humahabol sa akin.. 

mga kaibigan,, ako si Cardo.. kinakasama ni Pasing at nakagisnang Ama ni Ariane.. pakingan nyo ang aking kwento.. at baka sakaling sa inyo ko mahanap ang pang unawang hinding hindi ko makukuha mula kay Pasing at sa kanyang anak..

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon