Pasing's pov:
Isang araw na ang lumilipas ngunit hindi parin nagigising ang aking anak...
mahaba na ang listahan ng utang na dapat kong bayaran dahil sa mga gamot at pamahid sa nalapnos nyang balat...
Ilang linggo nalamang ay magpapasko na... maganda ang tanawin sa labas at malamig na ang simoy ng hangin...
Ngunit sa tuwing titignan ko ang kalunos lunos na sinapit nya sa kamay ng hayup na gumahasa sa kanya ay halos himatayin ako sa sobrang awa...
Mula sa kaliwang binti... pagapang sa hita , balakang hangang bewang ang lapnos sa kanyang balat...
Hindi ko lubos maisip na magagawa ng isang tao ang kanitong klase ng kahayupan...!!
Talagang balak syang patayin..!! Walang puso!!! Walang kaluluwa..!! Hayup.!! Hayup.!!
Tumangis ako ng haplusin ko ang maputlang mukha ng aking anak.. putok ang kanyang labi at may malaking sugat sa noo na kailangan pang tahiin at lagyan ng benda.. maitim at namamaga din ang kanyang pisngi pati ang kanang mata.. napakalupit..!! Walang kaluluwa ang taong gumawa nito.. mali.. hindi sya tao..! Demonyo sya.!!
Mga kaibigan.. ako si Pasing, Ina ni Ariane... pakingan nyo ang aking kwento.. at tulungan nyo akong hanapin ang hayup na gumawa nito sa kanya.. tulungan ninyo akong hanapin ang mga ebidensyang magtuturo sa lalaking may sala kahayupang dinanas ni Ariane.. tulungan ninyo akong makuha ang hustisya para sa aking anak.
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
Fiksi UmumMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...