Chapter 12: Kasalanan ni Jay (2)

733 45 0
                                    

Sir Jay's pov:

Papauwi na sana ako ng makita si Ariane na abala sa pag babasa ng libro sa library… mula sa salamin sa pinto ay natanaw ko syang abalang abala…

Konti na lamang ang mga estudyante dahil hapon na at tapos na ang lahat ng klase…

Ni hindi nya namalayang nakalapit na ako sa mesa na pinagpapatungan ng mga gamit nya…

"Abalang abala ka ah…  " nakangting bati ko sa kanya…

Natawa naman ako ng bahagya pa syang mapatalon mula sa pagkakaupo…

"Wag kayong mangulat sir… aatakihin ako sa puso nyan e…"  nakangiti nyang sabi……

Maya maya pa ay ipinagpatuloy na nya ang kanyang ginagawa..

Umupo ako sa tapat nya at tinignan ang maganda nyang mukha. Ni hindi naman sya nakaramdam ng pagkailang at simpleng nagpatuloy lamang sya sa pagbabasa..

Napakaganda talaga ni Ariane.napatingin ako sa kanyang kamay at dahan dahan ko itong hinawakan..

Halata namang nagulat sya sa aking ginawa.. tinangka nyang hilahin ang kanyang kamay ngunit mahigpit  ang aking pagkakahawak..

"Sir…? " kunot ang kanyang noo at bakas ang pagtataka..

Nanlaki ang kanyang mata ng hilahin ko ang kanyang kamay at ilagay ito sa aking labi.

Sabay pa kaming nagulat ng bumukas ang pinto..  agad namang hinila ni Ariane ang kanyang kamay at nagmamadaling inilagay sa bag ang kanyang mga gamit..

Pumasok naman si Marvin na agad sinalubong ni Ariane. Kunot ang noo ni Marvin kaya alam kong nakita nya ang ginawa..

Nang hawakan nya ang kamay ni Ariane at hilahin palabas ay nakaramdam ako matinding panibugho at galit..

Akin lang si Ariane.. AKIN..!!!!

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon