Chapter 36: Pag ibig(2)

675 38 0
                                    

Cedrick's pov:

Kuhanan na ng classcard at excited na excited na kami ni Ariane na makita ang grades ko... 5 months na kami ni Ariane at masayang masaya ako sa relasyon naming dalawa..

Kinuha nya mula sa kamay ko ang mga classcard.. nakangiti naman syang yumakap sa akin..

"Congratz... karamihan ng score mo ay 2.75.... may dalawa kang 2.50.... ang galing galing naman talaga.." natatawa pa sya habang kinukurot ang pisngi ko.

Kinuha ko naman ang classcard nya at puro uno ang grade nya pinaka mababa na ang 1.50.... tsk tsk kung umasta sya parang malaking bagay n ung grade ko samantalang puro pasang awa nga lang un...

"Malaking improvement yan... dati lahat nlng bnabagsak mu..." nakatawa nyang kinuha ang kamay ko at hinila papunta sa lugawan...

"Napupurga na ko sa lugaw..." nakasimangot kong sabi sa kanya...

Sumimangot din sya at ipinalo sa ulo ko ang straw ng softdrinks..."eh ito lang kaya ng budget natin..."

"Eh ako nalang manilibre sayo tutal pasado na aku hehe..." hinila ko na ang kamay nya at isinakay sa kotse...

Ang nakakatuwa kay Ariane... never syang nagpabili sa akin ng kht ano... kpag binilan ko sya ng mga damit o sapatos naku magagalit yun...... pakiramdam nya kase ay binibili ko yung pagibig nya...

Kumain kami sa isang chinese restaurant... halata namang hindi marunong mg chopstick si Arianeg unlike me... half chinese kase ako... dugo ng lolo...

Anyway ayun magana naman syang kumain and after nun pumunta kami sa mall para mag grocery... pumayag sya kase ang akala nya para sa cabin lang ang bibilin naming mga stocks ... syempre gusto ko din magpasikat kay Aling Pasing...

This time sure na ako... i love Ariane... i love her so much... at humahanap nalang ako ng tyempo dahil gusto ko nang ayain sya magpakasal... kaka 18 plang nya kaya hndi ko muna sya binigla..

Panay naman ang pili ni Ariane ng mga kailangan sa cabin. Mula sa pangligo at pang linis hanggang sa pagkain, lahat naman ng pinili nya ay pinadodoble ko.' Syempre isa sa cabin, isa sa kanila..

Inihatid ko muna sya sa kanila... nagtataka naman sya dahil bumaba ako sa sasakyan dala dala ang ilan sa pinamili namin...

Dumungaw naman sa munti nilang bahay si Aling Pasing... di man nagsalita alam kong nagtataka sya kung bkt ako nagpunta sa kanila..

Nang makapasok sa loob ay nagmano kami ni Ariane sa kanya.. inilapag ko ang aming pinamili..

"Para saan iyan...? " kunot nuong sabi ni Aling pasing habang nakatingin sa mga pinamili ko..

"Si Ariane po ang bumili nyan... karamihan po ay galing sa pagtitinda nya..." kabado kong sabi...

Natawa naman si Ariane..."wag ka maniwala dyan nay... binili nya yan para satin... pasado kasi sya sa lahat ng subject kaya nanlibre..." tumango tango naman ang nanay nya..

Naghain ng makakain si Aling Pasing para sa amin. Shit 1st time ko kumain ng pangat..

Nagkanda tinik tinik pa ako dahil hndi ako sanay mag kamay...

"Ang totoo ay natatakot ako para kay Ariane... gustong gusto ka nya at natatakot akong baka pinaglalaruan mo lang sya" kunot nuong sabi ni aling Pasing habang nasa labas kami ng bahay... papasakay na sa ako sa sasakyan ng magsalita sya.. tumingin ako kay Ariane na nakangiti sa akin...

"Kung sasaktan mo lang ang anak ko sana ngaun pa lamang ay layuan mo na sya..."

"Mahal ko po si Ariane..."

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon