Pasing's pov:
"Anu ba pasing...!!! 300 lang wala ka pang maiabot sa akin.?!!! " sigaw ni Cardo sa akin habang kinakapkapan ako..
Kagagaling lamang namin ng aking anak na si Ariane sa kanyang highschool graduation.. kasama nyang nakapagtapos ang anak ni senyor na si Marvin..
Mabuting bata si Marvin.. ibang iba sya sa kanyang ama na matapobre. Lagi nyang tinutulungan ang aking anak tuwing hinahanap si Ariane ni Cardo para bugbugin.
Malakas na batok ang nakapagpabalik ng aking diwa... nang lingunin ko ang aking kinakasamang si Cardo ay kitang kita ang galit sa kanyang mukha...
"Ang sabi ko naman kasi sayo wala nang natira sa bale ko kina madam.. ibinili ko ang anak ko ng bestida para sa kanyang graduation.." mahina at malumanay kong sagot sa kanya..
Ngunit lalo nyang ikinagalit ang naging sagot ko.. mag asawang sampal ang binigay nya sa akin at saka nya hnablot ang aking buhok at hinila ako sa papag..
Alam ko na ang mangyayari.. ganito naman lagi.. pinunit punit nya ang aking damit na parang asong na sabik na sabik sa kapirasong karne..
Sadista si Cardo.. mas naliligayahan sya kapag sinasaktan nya ako sa tuwing magtatalik kami..
Panay ang sampal nya sa akin habang panay din ang galaw nya sa ibabaw ko..
Nang matapos sya sa paggamit sa katawan ko ay agad syang nagbihis at lumabas ng aming bahay.. para akong basahang ginamit at ng matapos ay itatapon na lamang sa kung saan.'
Napamaang ako ng makarinig ng kaluskos na nagmumula sa silong.. gawa sa kahoy at kawayan ang bahay kaya naman kaunting galaw lamang ay tiyak na maririnig ko..
Nang silipin ko ang silong ay agad kong nakita ang aking anak na umiiyak habang hawak hawak ang dalawang tenga..
Nahihiya ako kay Ariane. Para sa kanyang edad ay hindi sya dapat nakakasaksi nang ganitong kalaswaan..
Ngunit wala naman akong magagawa.. magkakatabi kaming matulog.. si Cardo.. ako.. si Ariane..
Alam kong alam na nya kung ano ang ginagawa namin nang kanyang tiyo Cardo tuwing madaling araw..
Baog si Cardo kaya hindi kami magkaanak.. pero sa akin nya lagi ibinubunton ang sisi..
Batugan. Iresponsable at walang kwentang lalaki si Cardo.. ngunit kahit sinasaktan pa nya kami ng anak ko ay hindi ko parin sya magawang iwan..
Sya ang sumalo sa akin ng iwan ako nang ama ni ariane.. pinatira nya kami dito sa bahay at binigyan nya ng pangalan ako at ang anak ko.. para sa isang disgrasyadang tulad ko... ang pinakaimportante ay magkaron ng ama na makagigisnan ang aking anak..
"Halika na... lumabas kna dyan anak..."
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
Ficção GeralMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...