Chapter 45: Paalam

758 41 1
                                    

Sakay ng kanyang wheelchair ay nagtungo sya sa may veranda.. gustong gusto nyang muling masikatan ang kanyang mukha.. halos kalahati ng kanyang katawan ang ginapangan ng apoy at napakasakit nito..

Ngunit wala na yatang mas sasakit pa sa dinanas nyang sakit sa kalooban.. sinaktan sya nang mga taong pinagkatiwalaan at nirespeto nya..

Si Sir Jay.. tumatayong pangalawang magulang ng bawat estudyante.... dapat na nagmomolde sa mga kabataan upang mas mapabuti.. ngunit kay sir Jay nya naranasang bastusin at pagtangkaan gawan ng malalaswang gawain..

Si Tiyo Cardo.. nakagisnan nyang Ama. Ang taong inaasahan nyang poprotekta sa kanya mula sa kapahamakan.. ngunit ito ang taong unang nanakit sa kanya at sa kanyang ina..

Si Cedrick.. ang lalaking pinakamamahal nya.. akala nya ay nahanap na nya ang lalaking proprotekhan sya mula sa mga umaapi sa kanya ngunit ito ang unang bumaboy sa katawan nya..

At si Marvin.. ang matalik nyang kaibigan.. kasama nya sa sakit at saya.. ang lalaking gumahasa at sumunog sa kanya..

Tumingin sya sa langit.. pagod na sya.. pagod na pagod..

Dahan dahan syang humawak sa bakal at nagumpisang tumayo.. nasa pang apat na palapag ang kinatatayuan nyang veranda at tanaw na tanaw nya ang ganda ng paligid..

Mula sa baba ay natanaw nya ang mga naglalakad na mga tao.. hangang sa mahagip ng kanyang mata si Cedrick.. napansin naman sya nito at nagtatakang tumingin sa kanya..

Binigyan nya ito ng matamis na ngiti at saka sya kumaway..

Nakita naman nya ang papalapit na si Marvin.. kitang kita ang pag aalala sa mukha  nito ngunit masyado itong malayo upang mapigilan sya sa balak nyang gawin..

Sa huling pagkakataon ay ngumiti sya sa kanyang matalik na kaibigan..

Pumikit sya at tumalon mula sa veranda..

Malakas na tilian ng mga tao ang maririnig sa buong ospital.. gimbal na gimbal si Cedrick habang napaupo sa sahig..

Puno ng luha ang mga mata habang dahan dahang gumapang sa duguang si Ariane..

Basag ang bungo at wala ng buhay...

Huli na ang lahat upang humingi ng tawad...

Parang naestatwa naman si Marvin habang nakahawak sa mga bakal… 5 segundo.. kung mas napaaga sya ng limang segundo maaaring napigilan nya si Ariane..

"Anak…!!! Anak.!!!! " sigaw ni Aling Pasing habang halos mabaliw sa nasaksihan..

Agad din syang hinimatay pagkatapos...

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon