Chapter 44: Huli Na

749 42 0
                                    

Marvin's pov:

Maaga pa lamang ay nagpunta na ako sa ospital… ayon sa mga nurse ay ngayon ang araw ng pagpapaligo sa kanya..

Nilapitan ko ang kanyang ina na naghihintay sa pasilyo habang nsa wash area si Ariane..

Mula sa labas ay rinig na rinig ang pagpalahaw ng iyak ni Ariane habang binubuhusan ng tubig ang kanyang katawan..

Umupo ako sa tabi ng kanyang ina.. panay ang pagluha ni Aling pasing habang hawak hawak ang dibdib.

Alam kong mahapdi at makirot kapag nababasa ang lapnos.. ngunit hndi ko lubos maisip kung ganu kasakit ang nararamdaman ni Ariane gayong halos himatayin na ako sa sakit samantalang lapnos lang sa braso ang meron ako..

Paano pa kaya yung halos kalahati na ng katawan.?

Halos 2 oras din si Ariane bago  ilabas. pinayagan syang gumamit ng wheelchair dahil kahit papaano ay nagagawa nyang igalaw ang kanyang mga paa..Putlang putla ang kanyang mukha at magang maga ang kanyang mga sa kakaiyak..

nasa kwarto na kami nang magpaalam si Aling pasing na sasaglit sa botika upang  bumili ng niresetang gamot..pansamantala ay aku muna ang magbabantay kay Ariane.

Ng makalayo na si Aling pasing ay lumapit ako kay Ariane. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga kamay ng hawakan ko ito at dalin sa aking labi.. pumikit ako habang unti unting pumatak ang aking luha.

"Hindi ko alam ang ginagawa ko nang gabing iyon… Ariane naaalala ko na ang lahat…"

Nanikip ang dibdib ko na para bang anu mang sandali ay sasabog na ito…

"Hangang ngayon ay pilit kong itinatangi na ikaw ang may gawa sakin nito…" mahina at garalgal na bigkas ni Ariane…

"IM SORRY… "

Tumayo ako  ng makitang nsa pintuan si Mang Nestor…

Kailangan ko syang makausap…

si Mang Nestor ang tanging saksi sa ginawa kong krimen.. kinausap ko sya para tumistigo laban sa akin..

Nagulat sya sa aking sinabi..

Tama.. balak ko ay sumuko sa mga pulis at umamin sa krimeng nagawa ko..

"Ngunit hindi po makapapayag ang senyor…"

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon