Marvin's pov:
Madilim ang kapaligiran at malamig ang simoy ng hangin.. matatas ang mga talahib at matatayog ang mga puno.. napakatahimik ng lugar kaya kahit ang mumunting ingay na nagmumula sa mga insekto ay tiyak na maririnig..
naglakad lakad pa ako at tumanaw sa malawak na kagubatang nasa aking harapan.. mapayapa ang aking paglalakad ng biglang makarinig ng isang malakas na tili...
"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh..!!!!" kumabog ng malakas ang aking puso.. sa hindi ko malamang dahilan ay tumakbo ako papunta sa mas masukal pang parte ng kagubatan.. hindi ko naininda ang makapal na usok na mahapdi sa mata at masakit sa ilong.. unti unti kong nakita ang liwanag na nag mumula sa isang maliit na kubo..
"haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh...!!!!!!" muli ko pang narinig ang matinis na sigaw na iyon.. mula sa pagkakatago sa likuran ng malaking puno ay tuluyan ko ng nakita ang kaganapan mula sa loob ng kubo..
hindi..!!!! hindi..!!!! hindi ito maari..!!!! ariane..!!!!! si Ariane..!!!
"AAAAAARRRRIIIIIAAAAANNNNNNNNNNEE..!!!!!" halos mapugto ng aking pag hinga dahil sa sobrang lakas ng aking pagkakasigaw...
"huminahon ka anak.!!! Nurse..!!!!" malakas na sigaw ng aking ina.. tuluyan naman ako nahimas mahasan.. nang imulat ko ang aking mata ang naroroon ako sa ospital habang ang aking ina ay panay ang pagluha habang nakamasid sa akin..
panaginip..! isang napakasamang panaginip..! hindi ko namalayang nakatulog pala ako.. nanginginig ang aking mga kamay habang bumabangon.. sobrang sakit ng aking ulo .. malakas parin ang kabog ng aking dibdib ngunit pilit akong nagpapakatatag.. para kay Ariane.. para mabigyan sya ng hustisya..
"anong balita kay Ariane..?" garalgal kong sabi sa aking ina. hangang ngayon ay isang malaking trauma parin sa akin ng nangyari.. 2 araw na ang lumipas simula ng marescue kami mula sa nasusunog na kubo.. hindi ako pinatutulog ng alala ng kalupitang dinanas nya.. hangang sa panaginip ay dinala ko ang takot ..
"nagising na sya anak..." nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ng aking ina..
"kailangan ako ni Ariane.. kailangan nya ako sa kanyang tabi.." lumuluha kong sabi sa aking ina..
salamat naman at nagising na si Ariane.. nagising na ang aking matalik na kaibigan...
(nakaraan)
"kamusta na ang pakiramdam mo anak.?" tanong ni Aling Pasing sa anak nya..
ngumiti naman si Ariane sa kanyang ina.. maputla ang kanyang mukha at nanlalalim ang mga mata.. alam kong iniinda nya ang sakit na kanyang natamo mula sa kanyang tiyo Cardo. ngunit hindi nya ito ipinahahalata.. alam kong mas lalong masasaktan at mag aalala si aling Pasing kung makikitang nahihirapan ang kanyang anak..
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
Genel KurguMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...