Chapter 31: Maricel

693 41 2
                                    

Marvin's pov:

" Hoy..!!! hoy patpat..!!! nasan si Ariane..?" ito ang una kong narinig mula sa aking likuran pagbungad ko palang papasok sa malaking gate ng University..

boses pa lamang ay alam ko na kung sino ito.. binalewala ko lamang ito at derederetsong pumasok sa loob.. napahinto lang ako ng mataan ng kung anong matigas na bagay ang aking likod.. malakas naman ang tawanan ng mga lalaki mula sa likuran..

ng lumingon ako ay nakita ko ang bagay na ipinambato nila sa akin.. isang backpack.. lumapit naman ang isa pang estudyante at pinulot ito.. malamang ito ang may ari ng backpack..

lumapit sa akin si Cedrick at kinuwelyuhan ako.. " di mo ba ako narinig..!!! ang sabe ko nasan si Ariane..!!!!" pumikit ako ng makita kong itinaas nya ang kanyang kamao at inamba ito sa akin..

" WALA..!!!! " ganting sigaw ko sa kanya.. kumunot naman agad ang kanyang noo at nakatangap ako ng isang malakas na suntok.. agad akong bumugsak sa sahig.. putok at nagdudugo ang nguso..

" Kaya na ba ng buto mo ngayon..?! lalaban ka ba..?! lakas ng loob mong sumagot sagot sa akin ahh..!" galit na sigaw nito sa akin habang pinagsisipa ako..

Nagsidatingan naman ang mga guard.. kaya naman padarag akong itinulak at saka sila umalis ng mga kasama nya.. napailing nalang ako habang nag papagpag ng aking nadumihang pantalon..

"hindi ko alam na napakalampa mo pla.." nakatawang komento sa akin mula sa likuran..

inis akong naglakad palayo.. badtrip naman napahiya nanaman ako.. umupo ako sa hagdan ako kumuha ng tissue mula sa akin bag..

" nakakatawa ka talaga Marvin.." nakatawang sabi pa nito sa akin..

nang lingunin ko ang boses ng babaeng iyon ay napanganga ako sa nakita ko.. ang nakangising mukha ni Maricel ang nakita.. agad akong napatayo mula sa pagkakasalampak sa hagdan..

tumawa naman sya sa akin at binigyan ako ng panyo.. tinignan ko lamang ang kanyang muka.. lumapit naman sya sa akin at pinunasan ang aking labi na may bahagya pang dugo..

agad naman ako ng umiwas kaya lalo syang natawa habang pinagmamasdan ako... " I like You.. Marvin.."

napanga nga naman ako sa sinabi nya.. Shet totoo ba yung sinabi nya..?

" Will you go out with me.? " nakangiti nyang tanong sa akin..

ni hindi ko na nagawang sumagot nang hawakan nya ang aking kamay at hilahin palabas ng eskwelahan.. hindi ako makapaniwala.. totoo ba ito..? magdadate ba talaga kami ni Maricel...?

Buong araw kaming magkasama ni Maricel.. kumain kami sa restaurant at ipinamili ko sya ng mga bagong damit.. feeling girlfriend na sya sa akin na nakahawak ang magkabilang kamay sa aking braso..

kilig na kilig naman ako.. sa wakas napansin na ako ng crush ko.. hahahahahaha

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon