Pasing pov:
Maaga pa lang ay nakapila na kami at nag iintay sa sekretarya ng mayor… mapapasa daw ng requirements at interview… kapag ngustuhan nila ay maaaring mabigyan ng full scholarship depende sa taas ng grado…
Lumingon ako sa aking anak… bakas parin ang pasa at sugat sa kanyang mukha ngunit higit na syang masigla kesa nuon…
Maaaring dahil ito sa pag asang makapagaral pa sya sa kolehiyo.. ito na lamang ang tanging pag asa namin..
Soot naming mag ina ang pinaka maganda at pinaka presentable naming kasuotan.. suot nya ang bestidang binili ko para sa kanyang graduation habang pinutiang tshirt naman at mahabang bulaklaking palda ang aking suot..
Nang tawagin na ang pangalan ni Ariane ay nagkatinginan kaming mag ina at hawak kamay na pumasok sa opisina ni Mayor...
Puno nang pagkabog ang aking puso habang papalapit kami kay Mayor.. matanda na ito pero batid parin ang awtoridad sa kanyang pag kilos.. kilalang malupit at tuso ang Mayor.. madaming nagtangkang bumatikos sa di maipaliwanag nilang yaman ngunit nawawalang parang bula na lamang ang mga aligasyon tungkol sa kanya.
Maging sa mga babae ay tuso at matinik itong si Mayor..marami syang mga ibinabahay na mga dilag.. ang huling balita ay ibinabahay nya ngayon ang isang bente singko o bente sais na dalaga.. ang pagkakatanda ko ay Maricel ang kanyang pangalan..
Tahimik at pilit ang ngiting binigay sa amin ng Mayor.. lagi na syang nsa opesina dahil malapit na ang eleksyon..
"Magandang umaga po Mayor… " magalang na pag bati ni Ariane sa Mayor…
Ngumiti ito at tinitigan sya mula ulo hangang paa… halata naman sa kanya ang disgusto sa aming mag ina.. marahil ay napipilitan lang sya sa pagbigay ng pera para sa scholarship..
"Sige… maupo na kayo…" nang iabot ang folder na naglalaman ng kanyang resume at iba pang requirements
Nagulat kaming lahat nang bigla na lang pumasok sa opisina ang sutil na apo nang Mayor…
"shut up…!! Papasok ako kung kelan ko gusto.!!!! " sigaw nito sa umiiyak na sekretarya..
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
General FictionMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...