Chapter 35: Pag ibig

717 38 0
                                    

Cedrick's pov:

"Pasensya ka na medyo natagalan... ito na yung notebook mo salamat... " napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Ariane sa loob ng classroom...

Bahagya akong nagtago sa poste... anung gnagawa nya sa klase ko...?

"Nakopya mu na ba lahat...? Mag kakaroon kami ng quiz bukas. Ipareview mo nalang kay Cedrick ung last lecture... " nakangiting sabi naman ng babae kay Ariane..

"Sige salamat... eto na nga pla yung order mo... my extra yan para pasasalamat ko na rin..." tila nahihiya pa nyang inabot ang plastik dun sa babae... maya maya ay lumabas na si Ariane...

Nagulat naman sya ng bigla akong humarang sa daanan nya.. "anong ginagawa mo sa klase ko...? " tanung ko sa kanya habang hinablot ang paperbag na hawak nya..

"Ano to...? " tanung ko habang binubuklat ang laman ng mga plastik..

"Yema... nag gawa kase kami nang nanay... madami namang umuorder nyan sa school..." seryoso nyang sabi habang kinuha sa kamay ko ang paperbag...

"Anung sasabihin ng mga tao pag nalaman nilang tindera ng yema girlfriend ko...?nakakahiya Ariane.!! " Galit kong sigaw sa kanya.

"Bakit nAman nakakahiya.? pinagpaguran ko ang perang ginagastos ko at hindi hinihingi lang..!!! " ganting sigaw nya sa akin. Padabog nyang iniabot sa akin ang isang notebook..

"Aanhin ko to.? " muling sigaw ko sa kanya habang naglalakad na sya palayo..

Huminto sya at muling naglakad pabalik sa akin.. bahagya naman akong napaurong.. tsk trk..

"Magreview ka.! May quiz daw kayo bukas.! Mas nakakahiya yung bagsak ka nanaman kesa sa akin na nagtitinda ng yema.!!!! " galit nyang sigaw..

Natulala naman ako ngunit maya maya ay natawa sa kanya.. namula naman ang mukha nya.. hinawakan ko ang pisngi nya at masuyong hinalikan sa labi..

Natulala naman sya habang pulang pula ang mukha.. ng mahimas masan ay nagtatakbo sya palayo ra akin..

Kakaiba ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Ariane.. halos 1 bwan na kaming mag nobyo at sa panahon na iyon ay mas humanga ako sa kanya..

Nakangiti ako habang binuklat ang lecture na kinopya nya mula sa kaklase ko.. nanikip ang dibdib ko ng mabasa ang isang page ng notebook..

Ipasa mo ang subject na to ha...

I love you...

ARIANE...

ngayon lang ako nakaranas ng ganito... yung alagaan at bigyan ng pagpapahalaga...

Lahat ng mga naging nobya ko ay naikama ko ng lahat... at lahat sila ay humingi ng mga mamahaling regalo sa akin bilang kapalit... ngunit iba si Ariane... napaka inosente nya... ni hindi sya nagpapakita ng interes sa akin sa tuwing magpapapansin ako sa kanya pero sinisiguro nyang naaalagaan nya ako...

Tulad ngayon... napangiti akong muli... kung gusto nyang ipasa ko ang subject na ito... edi yun ang gagawin ko... masigla akong pumasok ng classroom...



"Tara bro...!! Gimick tayo..!! " aya sa akin ng isa kong tropa.

Nasa cabin kami at friday night ngayon. Kadalasan ay nasa bar kami o nagpapakalunod sa mga babae.. pero iba ngayon.. nagrereview ako para sa final exam namin.. nakakatawa.. pero simula ng sinabihan ako ni Ariane na ipasa ang subject ay ginawa ko ang best ko...

Masayang masaya naman si Ariane tuwing maipapakita ko sa kanya ang mga quiz at exam ko na almost perfect..

"Ang O.A mo na bro.!! Tang na naging syota mo lang yang si Ariane nagkaganyan ka na..." galit na sigaw sakin ng isa.

"Baliw na baliw ka sa kanya eh ni hindi ka nga maka iskor...!! " nagsitawanan naman sila.. sa inis ko ay padabog akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa sala..

"Wag mo kalimutan bro..! Pustahan lang ang lahat.. sa nakikita ko sayo ngayon iisipin kong mahal mo na sya.. " seryosong sabi naman ng isa'..

Natahimik nalamang ako habang pinagmasdan silang sumakay ng sasakyan..

Ni isa sa kanila ay walang nakaalalang 22nd bday ko ngayon..... kaibigan ko ba talaga sila..?

Napailing nalang ako at kumuha ng beer sa ref.. malalakas na katok ang bumungad sakin pagkainom na pagkainom na pagkainom ko pa lang..

Nagtatakang binuksan ko ang pinto.. "Happy birthday...!!! " bati sa akin ni Ariane habang hawak hawak nya ang isang maliit na cake..

Hindi ko alam ang sasabihin ko..nanikip ang dibdib ko habang nakatingin sa maganda nyang mukha.. nakangiti sa sa akin hbang kumakanta ng birthday song..

"Happy 22nd bday Cedrick.. i love you.. " tumingkayad sya sa akin at binigyan ako ng halik sa labi..

Natatawa naman nyang tinabig ako at pumasok ng bahay.. inilagay nya sa mesa ang cake at nag timpla sya ng juice.. ito na ata ang pinakamemorable na araw para sa akin.. ang makasama sa ka arawan ko ang pinakaimportanteng babae para sa akin..

"Nakz naman nagrereview...? " nakangiti sya habang tinitignan ang mga lectures..

Tumabi ako sa kanya at nagtanung ..."san ka nakakuha ng pera pambili ng cake..? "

Natawa naman sya bago magsalita.. "inipon ko mula sa pagtitinda ng yema... "

Lalo naman akong humanga sa kanya... sabay kaming kumain at nag review...

"Nga pala magpapasundo ako kay Marvin mamaya... madilim na kasi dito... bka may mga ligaw na hayup..."

Nandito sa tabi mo ang hayup Ariane... sagot ng utak ko...

"Hindi ko na madalas makitang umaaligid sayo yung patpat na yun..."

Sumimangot naman sya sa akin... "wag mu ngang tinatawag na patpat si Marvin... bestfriend ko yun eh... "

Agad naman ako yumakap sa bewang nya at ipinatong ang baba ko sa balikat nya... halata namang naiilang si Ariane...

"Madaming nangyari sa buhay ko... mga taong pinagkatiwalaan ko ang mismong nagtangkang manakit sa akin... hangang ngayon takot parin ako sa mga lalaki... sana maintindihan mo..." bumitaw ako sa kanya at tinignang mabuti ang kanyang mukha...

"Anung ibig mong sbihin... " kinabahan ako sa sinabi nya... wag naman sana...

Umiling lang si Ariane at niyakap ako... tahimik syang umiyak sa dibdib ko...

Mahinang katok ang narinig naming dalawa kaya naman tumayo sya at nagbukas ng pinto...

Ang seryosong mukha ni Marvin ang nabungaran namin... nagpaalam naman si Ariane at lumabas na ng bahay...

Ng makaalis na sila ay kinuha ko ang aking cp...

"Hindi bat sinabi kong bantayan mo si Marvin...!! Bakit umaaligid namaman sya kay Ariane..!!! " sigaw ko kay Maricel..

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon