Marvin's pov:
Lumipas pa ang mga taon at lalo pang naging malapit ang kalooban ko kay Ariane… lagi syang nariyan para patawanin ako at ipagtangol ako twing mam bubully si Cedrick at mga kaibigan n nya…
Ilang panahon na lamang ay makakagraduate na kami sa highschool…
"Buti ka pa makakapag kolehiyo sa bayan… ako ay malamang na huminto na dahil wala ng pampaaral ang inay..." napalingon ako sa aking kaibigan. Malungkot ang kanyang mga mata at parang anu mang oras ay maaari na siyang umiyak...
Hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala ito sa aking labi… napangiti naman sya habang nakatingin sa akin…
Napakaganda ni Ariane… maliit at makinis ang kanyang mukha manipis ang mapula pulang labi… may katangusan ang ilong at bilugan ang mga mata… maliit na babae lamang si Ariane… sa biglang tingin ay aakalain mong mas bata sya ng limang taon kesa sa tunay nyang edad na kinse…
Morena ang kanyang kutis at alon alon ang kayang mahabang buhok… maganda, matalino at mabait si Ariane kaya naman halos lahat ng kalalakihan ay nahuhumaling sa kanyang ganda..
Ngunit masuwerte ako. Dahil ako ang mas gustong kasama ni Ariane at hindi sila.. masasabi kong galing ako sa pamilyang nakakaluwag luwag sa buhay..
May ari ng isang complex sa bayan na kung saan nirerentahan ng ibat ibang stall .. may iba ding mga negosyo sa maynila ang aking Ama kaya naman mas madalas syang wala sa bahay..
Ngunit madami ding mga lalaki ang humahanga sa ganda ni Ariane..
Nandyan na si Cedrick ang apo ng mayor .. at iba pa na nakakaluwag luwag din..
Ang tanging lamang ko lamang sa kanilang lahat ay itinuturing akong matalik na kaibigan ni Ariane..
Muling bumalik ang aking isipan sa kasalukuyan ng mapansin ang pagtawa ni Ariane. Agad ko namang binitawan ang kanyang kamay.'
"Pasensya na… may inisip lang ako… " namula naman ang mukha ko habang nakatingin sa kanya..
"At ano naman ang naiisip mo.? Bka ito ay si Maricel.. ang dayo dito sa atin.? " ngumiti si Ariane at bahagyang pinalo ang aking balikat..
Si Maricel.. napakaganda nya.. marami ring mga lalaki ang nagkakandarapa bigyan lang nya ng pansin.. sampung taon ang tanda ni Maricel sa amin ni Ariane.. kapwa kami kinse habang bente singko na si Maricel..
Maganda ang muka at katawan ni Maricel.. mahubog at mabibilog ang mga hita at malusog ang dibdib. Marami din ang nagsasabing tiyak na mahusay sya sa romansa..
Usap usapan din na kalaguyo sya ng kongresman at kung sino sino pa.. kung baga ay ganda at katawan ang kanyang puhunan para kumita..
"Tama ako …!! May gusto ka nga kay Maricel..!!! " namula ang pisngi ko dahil kahit ilihim at itago.. halata namang may gusto ako kay Maricel...
Humahanga lang naman ako sa kagandahan na taglay ni Maricel.. hindi ba.?
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
General FictionMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...