Marvin's Pov:
Naging maayos naman ang unang araw ng klase.. hindi ko kaklase si Ariane dahil Business Management ang aking kinuha samantalang Education naman ang kanya.. ngunit sinisuguro ko na kahit paaano ay nababantayan ko sya.. lalo na kay Cedrick na laging nambubuska sa amin ni Ariane..
hindi ko talaga maintindihan kung bakit mainit ang dugo nito sa amin ni Ariane gayong wala naman kaming ginagawang masama sa kanya..
Naunang natapos ang klase ni Ariane kaya naman nakita ko agad syang naghihintay sa akin sa labas ng class room.. tinukso naman ako ng ilan sa pag aakalang ang babaeng naghihintay sa labas ay ang aking nobya..
"kaibigan at kababata ko si Ariane.." nakangiti kong sabi sa kanila..
kumabog ng husto ang aking dibdib ng mapansing nkaupo sa may likuran si Maricel.. ano kaya ang ginawa nya dito.? obiously estudyante sya at kaklase ko.. dahan dahan naman akong napangiti.. kapag sinuswerte ka nga naman.. magkaklase pala kami ni Maricel.
nang magtama ang aming mga mata ay lalong lumakas ang kalabog ng aking puso.. napakaganda talaga nya.. palagay ko ay bumata sya ng sampung taon dahil sa suot nyang uniporme.. ngumiti ako sa kanya ngunit inirapan nya lamang ako.. kilala naman talaga si Maricel sa pagiging mataray.. talagang pinipili nya ang mga lalaking kinakasama nya..
"pasensya kna at medyo natagalan ang pagpapalabas sa amin ni sir.." hinging paumanhin ko kay Ariane ng makalabas ng classroom...
ngumit naman sya sa akin at nag salita.. "okey lang.. halika na at ng makauwi tayo ng maaga.. "
sabay kaming naglakad palabas .... bumungad naman sa amin ang nakakalokong ngiti ni Cedrick..
nakasandal sya sa pader at aakalain mong pag mamay ari nya ang buong eskelahan dahil sa asal nya at porma..
"Ariane.. hatid na kita..." nakangisi nitong sabi.. lumingon naman ako kay Ariane na nakakunot lang ang noo at katulad ko ay nag tataka..
"wag ka ng magpakipot pa.. dapat nga magpasalamat ka at pinagaaksayahan kita ng panahon.." nagsitawanan naman ang tatlo pa nyang alipores..
tahimik naman namin syang nilagpasan ngunit bago tuluyang makalabas ng gate ay hinawakan na nya ang braso ni Ariane habang nakaharang naman sa akin ang tatlo..
"ano ba Cedrick bitiwan mo sya..!!" sigaw ko sa kanya.. agad naman akong sinikmuraan ng isa sa kanyang mga kasama nya.. napaluhod ako habang nagpupumiglas naman si Ariane..
"anong nangyayari dito..!!!!" sigaw ni mang nestor kasama ang ilang security guards..
agad naman niyang binitiwan ang babae.. tumakbo palapit sa akin si Ariane at tinulungan ako sa pagtayo..
"tsk.. tsk.. kahit kelan epal talaga itong si Nestor.." sabi ng isa sa mga kasama nya
"hayaan mo na bro..! may next time pa naman..!!! hahaha" pakunswelo naman ng isa
inis na tinabig naman nya ang kanyang mga kasama at naglakad papunta sa kanyang sasakyan..
"ayos ka lang ba.?" tanong sa akin ni Ariane habang lulan ng sasakyan..
ngumiti lang ako sa kanya bilang kasagutan...
nang makarating sa bahay ay sinalubong kami ng makapal na tensyon sa paligid...
"anong nangyayari dito." tanong ko kay Carol.. ang bagong katulong namin..
"eh kase ho senyorito.. nakalaya na daw yung kinakasama ni aling Pasing..." unti unting gumapang sa aking katawan ang takot para kay Ariane at sa kanyang Ina..
nangkatinginan kami ni Ariane .. batid kong maging sya ay natatakot na rin..
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
General FictionMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...