Chapter 42: Ang Katotohanan (2)

730 39 2
                                    

Marvin's pov:

Kinabukasan ay  palihim akong pumunta sa kubong halos natupok na ng apoy...

Malayo pa lamang ay nakita ko na si cedrick na kausap si Mang Nestor..

Kinuwelyuhan nya ang matanda na para bang pilit na pina aamin..

Ano ba talagang nangyayari.? Ano ang alam ni Mang nestor..??!!

"maawa ka… maawa ka…" napalingon ako ng marinig kong muli ang boses na iyon…

Tumindig ang balahibo ko dahil pakiramdam ko ay sa tenga ko mismo ito ibinulong…

Tumakbo na ako palayo sa takot… ni hindi ko na nagawang tignan pa ang dinararaanan ko hangang sa madulas ako at magpagulong gulong pababa sa sapa…

"Maawa ka… maawa ka… marvin… maawa ka…"

Napasabunot ako sa aking buhok habang nakatagilid… napakasakit ng aking ulo…

"Tama na…!!!!! " sigaw ko habang pilit na nagsusumiksik sa maputik na talahib.

"Maawa ka… maawa ka… marvin… maawa ka…"

"Maawa ka… maawa ka… marvin… maawa ka…"

"Maawa ka… maawa ka… marvin… maawa ka…"

Ito ang paulit ulit kong narinig hangang sa mawalan ako ng malay..

Gabi na at ang mahinang boses na iyon ang narinig ko...  "marvin … marvin…"

Muli akong natakot… mula pa sa bahay , ang boses na paulit ulit kong naririnig ay walang iba kundi ang sarili kong tinig...

"Tigilan mo na pakiusap… " muli akong natakot ng marinig ang boses na iyon… nagmamadali akong gumapang paakyat  sa kakahuyan…

Patuloy ang pagtakbo ko hangang sa matanawan ko ang kubo… dali dali akong pumasok…

Mahihinang mga daing ang narinig ko… lalo akong natakot ng maaninag ang katawan ng babaeng gumagapang papalapit sa akin…

Mula sa sinag ng bilog na bwan ay nakita ko ng maayos ang kanyang mukha…

"Ariane.... " dahan dahan kong inabot ang kamay ko sa kanya.

Ngunit bago pa nya mahawakan ang aking kamay ay may humablot na ng kanyang buhok at ubod ng lakas na inuntog sa sahig.. nagsumiksik ako sa sulok at takip ang aking bibig ng aking dalawang palad..

Ni hindi ako makagalaw ng itali ng lalaki ang mga kamay ni Ariane gamit ang makalawang na alambre..

Lumuha lamang ako habang paulit ulit nyang ginahasa si Ariane.. panay ang iyak ni Ariane habang panay naman ang ungol at tawa ng lalaki.

Nang bumangon at lumabas ang lalaki ay agad akong lumapit kay Ariane. Nakatihaya sya at hirap na hirap gumalaw.  Muli akong natakot ng bumalik muli ang lalaki.. may dala syang galon at isinaboy ang laman sa sahig. 

Gasolina..!!!  Lumingon naman ako kay Ariane na umuubo ..

Nang ilabas ng lalaki ang posporo ay pigil hininga akong nanalangin para sa kaligtasan namin ni Ariane..

"Ikaw…"  napatingin ako kay Ariane na gulat na gulat… tinignan ko ang lalaki…

Mula sa liwanag na galing sa posporo ay nakilala ko ang mukha ng lalaki…

Nakangiti ito at hndi mababakas ang kahit anung emosyon maliban sa malapad na pagkakangiti…

Nakakatakot ang kanyang mukha…!! Para syang baliw na hindi nakararamdam ng konsensya..

Si Marvin.... si Marvin ang salarin..!!!!

Nangilabot ako sa realisasyon.. Ako si Marvin!!!! Ako ang may Gawa nang lahat ng ito.!!!!

Nagtangkang manlaban si Ariane kaya nabitawan ng lalaki posporo.. unti unting gumapang ang apoy sa kubo.. nang sampalin ng lalaki si Ariane ay bumagsak sya sa maalab na apoy. Agad namang kumalat ito sa kanyang katawan..

Sa galit ko ay sinuntok ko ang lalaki... lalaking walang iba kundi ako...

"Marvin…!!!!! " sigaw sa akin ni Mang nestor.. hinila nya ang lalaki palabas ng kubo. Maya maya ay binalikan nya ang katawan ni Ariane.. punit punit ang damit nito at sunog ang binti hita papunta sa dibdib.

Pinangko nya si Ariane at dinala sa ospital..

"Marvin… Marvin… Marvin…!!!!!! "  napabalikwas ako ng bangon mula sa putik na kinahihigaan ko..

Natatandaan ko na ang lahat.!!!!

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon