Cardo's Pov:
Mula ng makalaya ako mula sa pagkakakulong ay hindi na ako nagkaroon ng matiwasay na pagtulog...Mabuti na lamang at kaibigan ko ang ilang mga pulis kaya naman madali para saakin na pakiusapan sila na ipagwalang bahala ang aking kaso tutal hindi na nagawang mag file ng kaukulang complaint ang mag ina.. nakalaya ako ngunit nilinaw sa akin ng mga pulis na iyon na sa oras na mahuli akong muli ay hindi na nila ako magagawang mapalaya...
sobrang pagod at uhaw na ang aking naramdaman.. pansamantala akong nagpahinga sa lilim ng isang puno di kalayuan sa mansyon ng mga Castro.. nagkataon namang napadaan ang sasakyan ng madam.. napangisi ako ng makitang lulan ng sasakyan si Pasing. alam kong nakita nya ako.. batay sa takot na nakikita ko sa kanyang mukha.. alam kong nakuha nya ang mensaheng gusto kong iparating.. "papatayin ko kayong mag ina sa susunod nating pagkikita..!!"
kinagabihan ay tinangka kong balikan ang mag ina na naninirahan parin sa aking bahay.. ang kakapal ng mga mukha..!!! siguro ay sinadya talaga nilang ipakulong ako...para siguro maangkin ang aking bahay.. hindi ako makakapayag..!!!!
habang nakatingin sa kapinid na pinto ay unti unting bumangon ang aking galit... pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng mag ina..!!! akin ang bahay na iyan..!!! akin..!!!
dahan dahan ang ginawa kong paghakbang habang unti unting lulmalapit sa aming bahay.. pinilit kong hindi makagawa ng anu mang ingay ang pagbubukas ko sa pinto..
ngunit bago ko pa mabuksan ang pinto ay bumumakas na itong kusa.. nanlaki ang mata ni Ariane habang humahakbang papalayo sa akin.. sinamantala ko naman ito at nag umipsang humakbang papasok ng bahay.. tinangka nyang sumigaw ngunit naunahan na sya ng malakas na sampal na ibinigay ko sa kanya..
bumagsak sya sa sahig ngunit agad din syang bumangon.. naibato nya sa akin ang kaserolang may lamang mainit na kainin.. tsk tsk ang init..!!! bilang ganti ay sinikmuraan ko sya ng ubod ng lakas.. napangisi ako ng unti unti syang napaluhod at namilipit sa sakit..
pilit ko syang inangat gamit ang paghatak sa kanyang mahabang buhok.. kitang kita naman ang sakit sa kanyang mukha.. muli ko syang sinampal at tumama ang kanyang likod sa kahoy na ding ding ng aming bahay.. nakagawa ito ng malakas na ingay kaya naman nagmadali akong lumabas..
"hindi pa tayo tapos...!! humanda kayong mag ina sa pagbabalik ko..!" dali dali akong tumakbo habang inabol na ako ng ilang kapitbahay...
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
General FictionMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...