Chapter 5: Patpat

846 55 0
                                    

Marvin's pov:

Pumasok si Aling Pasing na puno ng pasa at galos… kasama nya si Ariane na puno din ng pasa tulad ng kanyang ina…

Tinangka ko syang hawakan ngunit umiwas lamang sya at tumakbo papalayo… ng lingunin ko naman si Aling pasing ay tahimik na nyang inumpisahan ang paglilinis ng aming bakuran…

Malungkot akong umakyat ng hagdan… nakita ko ang aking mama na tahimik lang na nakamasid sa akin…

"Alam mo naman ang ugali ng iyong ama… hindi nya gustong pinakikielaman ang buhay ng iba…"

Nilagpasan ko lamang sya at dumiretso sa aking kwarto…

Tumakbo ako ng tumakbo habang hinahabol naman ako ng mga lalaking umagaw sa aking bike..

pawisan na ako at pagod na pagod sa kakatakbo ngunit hindi ko naman magawang huminto.. tiyak na kukuyugin nila ako kapag naabutan nila ako..

Nagpagulong gulong ako sa damuhan ng madulas ang paa ko sa maputik na talahiban,. Pababa ang lupa kaya nagpagulong gulong ako hangang umabot sa may sapa..

Tawa naman ng tawa ang ilang mga bata na kanina pa humahabol sa akin,.

Hindi ko alam kung bakit nila ako hinahabol ngunit ilang araw na rin nilang ginagawa sa akin ang ganito..

Paika ikang tinahak ko ang daan pauwi...

"Senyorito…! Anung nanyari sayo..!!  " malayo pa lang ay rinig ko na ang nag aalalang boses ni aling Pasing..

Agad nya akong binuhat at dinala sa aking kwarto.. nilinis nya ang aking mga sugat at binihisan nya ng damit..

Hindi ko naman magawang ikuwento ang nangyari dahil ayaw kong mapagtawanan.. 

Iniinda man ang sakit ay nagkunwari ako na parang walang nangyari..

"Masakit…?  "  ng umalis si Aling Pasing ay inakala kong kasunod nyang lumabas si Ariane.. ngunit hindi pala

Umupo sya sa aking tabi ato tumingin sa aking braso at tuhod na puno ng sugat..

"Hindi noh.!!  Para sugat lang.!! "  pagmamalaki ko pa sa kanya gayong ang hapdi hapdi na ng aking galos..

Ngumiti sya sa akin at masuyong hinagod ang aking buhok... nakatingin lamang ako sa kanya habang ginagawa nya iyon..

Kinabukasan ay takot na takot nanaman akong umuwi dahil tiyak na inaabangan ako ng mga batang iyon... kung bkit ba kasi laging late kung mag sundo ang driver.!!

At tama ang aking hinala.. nakita ko ang apat na nakangisi habang nagtatago sa mga puno at halaman di kalayuan sa eskwelahan..

Agad akong tumakbo upang makalayo.. sumunod naman sila sa akin habang nagsisitawanan..

Puro tadyak at sipa ang naramdaman ko habang nakayuko ako at napapalibutan nila..

Hangang sa may matinis na sigaw akong narinig.!

Nakita ko si Ariane na may dalang mahabang pat pat at walang humpay na pinagpapalo ang apat na bata..  kumaripas naman sila ng takbo habang punong puno ng latay ang katawan....

"Ayos ka lang…?"  Tumingin ako sa kanya habang tinutulungan nya akong tumayo..

Simula ng araw na iyon ay itinuring ko ng matalik na kaibigan si Ariane.

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon