Chapter 21: Dalamhati ng Ina (3)

681 46 0
                                    

Pas4ng's pov:

"Senyor nakikiusap po ako…" pagmamaka awa ko sa ama ni Marvin…

Tumingin lamang sya at nagtaas nang kilay… kilala ko ang senyor… tuso at walang pinagtitiwalaan ito lalo na pagdating sa pera..

Pero kahit pa alam kong mapapahiya lamang ako ay kinapalan ko na ang mukha ko at lumuhod sa kanyang harapan..

"i aadvance ko lang naman po ang sasahurin ko senyor… malapit na ang pasukan at hindi parin po nakakapag enrol sa kolehiyo ang aking anak…  pakiusap po senyor…"  nagkandaiyak na ako sa harapan ng mapagmataas na senyor…

"Kayo talagang mga pobre… pinaghahandaan ang pagpapaaral sa anak at hindi ipinapangutang…!!! " sigaw sa akin ng senyor

Bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig ay lumalatay sa aking puso. Ni hindi mo magagawang lumunok sa sobrang pagbabara ng iyong lalamunan.

Maya maya pa ay nagbigay sya ng tatlong libo…  agad ko namang tinangap iyon…

"Maraming salamat senyor…"

Muli pa syang nagsalita bago umalis…  "ipakukulong kita sa oras na hindi mabayaran ng serbisyo mo ang perang iyan Pasing… pakatandaan mo"

Padabog nyang isinara ang pinto…

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon