Chapter 41: Ang katotohanan

750 36 0
                                    

Marvin's pov

Kasalukuyan... burn unit

Nang maabuTan ko si aling pasing na pinalalayas si Cedrick ay nakaramdam ako ng galit... ang kapal ng mukha nyang pumunta dito...!!!!

Sigurado akong may ginawa syang hindi maganda kay Ariane.!! Isang linggo na ang nakakaraan ay nakita ko ang sasakyan nyang inihatid si Ariane.. umiiyak si Ariane kaya sigurado akong may hndi magandang nangyari.!!

Kasalanan ko to.!! Masyado akong nalulong kay Maricel.. lahat ng atensyon ko ay nasa kanya kaya nawalan na ako ng oras kay Ariane..

Walang kwentang babae si Maricel.. iniwan nya ako ng makahanap na sya ng mas mapera.. hangang ngayon ay ni hindi man lang nya ako tinitext o ni tawagan man lang.!

Masama ang tingin ko habang tahimik na naglakad palayo si cedrick .. agad ko naman niyakap si Aling pasing na nakalupasay sa sahig habang umiiyak...

Inakay ko sya palapit kay Ariane.. natuwa ako ng mapansing dilat na ang kanyang mga mata..

"Salamat naman at nagising ka na..." nakangiti kong sabi kay Ariane..

Unti unting kumunot ang kanyang noo at kasabay nito ang pagpatak ng kanyang luha..

hinawakan ko ang kanyang mga kamay at marahang hinalikan ang mga iyon..

Ang nagkukumahog na si mang nestor ang naka agaw sa atensyon naming lahat. Namumutla ito at tila ba gimbal na gimbal.. anu bang nangyari.?

"Bakit Mang Nestor...?? " lumapit ako sa kanya at ipinatong ang aking kamay sa kanyang balikat..

Muka namang takot na takot sya ... nanginig ang kanyang katawan habang nakatingin sa akin...

"Si Maricel... patay na... " nagkanda utal utal na sabi pa nya...

Unti unti naman akong napanganga... ano...!!!!!!

"Ha..? Bakit.?! Paano.?! "

Nakita daw si Maricel.. hubot hubad tadtad ng tama sa ulo. Halos hindi na makilala dahil sa tindi ng pagkakawasak ng kanyang ulo.. punong puno ng pasa at sugat ang babae at hinihinalang pinagsamantalahan pa ito..

Ayon pa sa autopsy may tatlong araw na itong patay.. tumingin ako kay Ariane na patuloy ang pagluha.. parang takot na takot...

Tatlong araw.. ibig sabihin nito ay nasa parehong araw ang pagpatay kay Maricel at ang pagsunog kay Ariane... iisa lang kaya ang may gawa nito.?

Lumapit ako kay Ariane.. hinalikan ko ang kanyang noo.. "wag kang mag alala Ariane.. hahanapin ko ang may pakana nito.. sigurado akong iisa lang ang may gawa nyan sayo at kay Maricel..." tumalikod na ako at umalis...

Pinuntahan ko ang site kung san nakita ang bangkay ni Maricel......

Ang sakit sakit ng ulo ko... pakiramdam ko ay sasabog ito anu mang oras...

Nagtaka ako ng ni walang mga pulis na nag imbestiga... bakit ganun...? Wala na ang katawan ni Maricel at wala na ring mga bakas dahil tinabunan na ito ng lupa,,

Lalong nakakapagtaka,, bakit basta nalamang ititigil ang ang imbestigasyon gayung malinaw na malinaw na murder ang kaso.?

Naglakad na ako pabalik sa sasakyan ng matanawan si Mang nestor palinga linga ito na parang takot na takot ito na may makakita sa kanya..

Palihim ko syang sinundan hangang sa tumigil sya sa may mapupuno at matatalahib na parte ng gubat.. nakita kong may inilabas syang plastic bag.. ibinaon nya ito sa lupa... ng matapos na sya ay agad syang tumakbo palayo..

Napakunot ang aking noo.. anu ang laman ng plastic bag.?

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang dahan dahang lumapit sa lupang pinagbaunan nya..

Masakit pa ang mga lapnos ng mga braso ko ngunit nanaig sa akin ang pagnanais na malaman ang katotohanan.. dahan dahan kong binungkal ang lupa gamit ang aking kamay..

Maya maya pa ay nakita ko na ang Plastic bag.. nang mabuklat ito ay nakita ko ang duguang damit na pambabae..

Natuyo na ang dugo maging ang putik.. malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko habang parang binibiyak ang ulo ko..

Kaninong damit ba ito.??!!!! Hindi kaya.?!!!

Sukat ng maisip na bka kay Maricel ang damit na iyon ay ibinalik ko ito mula sa pagkakabaon at sumakay sa sasakyan..

Dumeretso ako sa bahay... at minatyagan si mang nestor..

Malaki ang hinala kong may kinalaman sya sa mga nangyari...

Gabi na ngunit hindi parin ako makatulog dahil sa sobrang sakit ng ulo ko...

Uminom ako ng gamot at humiga sa kama....

"Maawa ka... maawa ka..." mahihinang daing ang nakapagpamulat ng aking mga mata... nananaginip ba ako...? Bumangon ako at nagpalinga linga..

Natiyak kong hindi ako nananaginip.. kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto..

Tahimik ang buong paligid at tanging mahihinang boses mula sa opisina ng daddy.. nakakunot ang aking noo kasabay ng pagbangon ng paghinala sa aking dibdib...

"Nasiguro mo bang walang nakakita sayo nestor...? "

Nanginig ang aking buong katawan ng marinig ang boses na iyon ng Daddy..

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon