Cedrick's pov:
Tahimik ang buong kwarto at iilan lamang ang pasyenteng kasalo ni Ariane sa ward na kinaroroonan nya.. pampublikong ospital lamang ito at iilang pasyente lamang ang kayang iokupa ng kanilang BURN UNIT ..
Pumasok ako sa loob at nilapitan sya.. mula sa pagkakatayo sa paanan ng kanyang kama ay pinagmasdan ko ang mahimbing nyang pagtulog..
Pakiramdam ko ay may nakabara sa aking lalamunan at may mabigat na nakadagan sa aking dibdib habang tinitignan ko ang kanyang maputlang mukha.
Nang mabalitaan ko ang kalunos lunos nyang sinapit ay tinangka kong puntahan sya agad ngunit pinigilan ako ni lolo..
Ngayon lamang ako nakatakas mula sa mga nagbabantay sa akin.. at si Ariane ang una kong pinuntahan..
Dahan dahan akong umupo sa upuang katabi ng kanyang higaan. Marahan kong kinuha ang kanyang kamay at masuyo itong hinalikan.
Nakita ko namang bahagyang kumunot ang kanyang noo at maya maya pa ay nagsimula nang dumilat ang kanyang mata..
Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.. bumitiw ako sa pagkakahawak sa kanyang kamay at nanatiling nakatingin sa kanyang mukha..
Tumitig sya sa aking mukha na tila ba naninigurong hindi lamang sya nananaginip..
Nagsimulang pumatak ang aking luha ng hawakan ng malamig nyang palad ang aking pisngi.. puno ng kalungkutang ang kanyang mukha..
"ANONG GINAGAWA MO DITO…?!! " agad akong napatayo at lumingon sa pinangalingan ng tinig..
Lumapit si Aling Pasing at hinila ako palabas..
Mga kaibigan ako si Cedrick...ang apo ni Mayor.. bully kay Marvin at Ariane.. pakingan ninyo ang aking kwento.. hindi ko na hihingin ang inyong pangunawa.. alam kong hindi tama ang aking ginawa.. ngunit nakikiusap akong pakingan ninyo ang aking panig.. upang malaman ninyo ang bigat ng konsensyang pasanin ko..
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
General FictionMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...