Chapter 3: Balahura

865 55 0
                                    

Marvin's pov:

"Maawa naman kayo sa akin senyor…hindi na po ito mauulit…"  napalingon ako sa pinang gagalingan ng tinig sa may garahe…

Nakita ko ang aming driver na walang pang ibabang salawal at isa sa bago naming katulong…

"Senyor… senyor… pinilit lamang ako ni berto na sumiping sa kanya maniwala po kayo…"  lumuhod naman ang babae habang umiiyak…

"Hindi totoo yan…!!  Ginusto mo ang mga nangyari..!!! "  galit na sigaw ni Berto.

"Mga balahura…!!!! Dito nyo pa naisip gumawa ng kahalayan..!!!!! "  sigaw ng aking ama.

Maging si Berto ay lumuhod na at humahawak pa sa paanan ng aking ama…

"Senyor… maawa po kayo… buntis po ang misis ko… "  pakiusap ni berto

"Senyor… wag po ninyo ako paalisin.. kapag nalaman po ito ng asawa ko ay mapapatay nya akong tiyak.. nagkamali po ako senyor.. parang awa nyo na po...," pakiusap ng babae..

"Anong nangyayari…?"  Napalingon ako sa boses ng batang babae..

Mula sa pagkakahawak sa kamay ng kanyang ina ay patakbo syang lumapit sa akin…

Ang ina ni Ariane ay isa sa aming mga katulong ngunit uwian sya tuwing gabi.  Hindi katulad ng dalawang ito.

"Anak hindi bat sinabi ko na sayong huwag kang mag lilikot…?  Wag ka ng makiusyoso dyan .."  saway ng kanyang ina..

Agad namang sumunod si Ariane at tumakbo palapit sa kanyang ina..

"Lumayas kayo sa pamamahay ko mga baboy…!!!!  " sigaw ng aking ama ., ni hindi na nya pinakingan ang pagmamaka awa ng dalawa..

Kinabukasan ay naging balita ang natagpuang bangkay sa may sapa.. napag alamang ito ay si Berto,.  Palahaw ng palahaw sa pag iyak ang kanyang misis habang nawalang parang bula ang asawa ni minerva. Ang kasamang pinalayas ni berto.. babaeng nahuling kaulayaw ni berto sa garahe...

Lumapit ako kay Ariane na sa mga oras na iyon ay nag kukulay sa kanyang libro..

"Nabalitaan mo ba ang nangyari kay Mang Berto.. ?  " umupo ako sa tabi nya at hinintay ang kanyang sagot.

"Ang asawa ni Aling Minerva ang pumatay kay mang Berto… yan ang usap usapan ng mga kapitbahay…"  umayos naman sya ng upo at tumingin sa akin…

"Nakakatakot pala ang asawa ni Aling Minerva… " bulong ko sa kanya…

Nagkibit balikat naman ito at muling bumalik sa pag kukulay…

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon