Marvin's pov:
Galit na galit ako kay Mang Nestor ng sabihin nyang hindi nya nagawang sunduin si Ariane mula sa klase.. absent ako kaya sinabi kong si Ariane nalang ang sunduin... masama kasi ang pakiramdam ko at halos isang linggo na rin akong hindi nakakapasok sa eskwela..
"Eh kase senyorito matatagalan daw sya sa eskwela ngayon dahil bagsak dw sya sa Math kaya mag makeup class daw sila..." paliwanag pa sa akin ni Mang Nestor...
Lalo naman akong kinabahan ng sabihin nyang Math... paniguradong si sir Jay nanaman ang may pakana nito...
Ilang araw ko na ring napapansin ang paglapit lapit nya kay Ariane... kinakabahan ako sa mga kinikilos nya...
Kahit hirap ay bumangon ako at lumabas ng bahay..
Naglakad lakad ako hangang sa matanawan ko ang bulto ni Ariane na nakaupo sa may gilid ng pader..
"Anung ginagawa mo dyan...? " mahina kong sabi sa kanya
Dahan dahan naman syang nag angat ng ulo mula sa pagkakayuko.. yakap nya ang dalawa nyang binti hbang nakayuko..
Umiyak sya ng makita ako.. agad ko naman syang nilapitan..
"Anong nangyare...?"
BINABASA MO ANG
Burned Alive (completed)
General FictionMagkaibigan simula pagkabata, ganyan kami ni Ariane..ako ang kanyang hero at sya ang heroine Pero isang gabi ay nasaksihan ko ang paglalapastangan sa kanya ng isang di kilalang lalaki.. Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw.. napuno ng tako...