Chapter 7: Sir Jay

787 50 1
                                    

Marvin's pov:

Naglalakad ako sa hallway ng eskwelahan ng bigla akong harangan ni cedrick at ng tatlo pa nyang kaibigan..

Nakangisi sila at halata namang kanina pa nila ako inaabangan..

Malaki at malapad ang katawan ni Cedrick .. malamang ay araw araw syang nagpupunta sa gym..

18 na si Cedrick ngunit hangang ngayon ay nasa high school pa rin.. likas kasing basagulero at tamad mag aral itong si Cedrick. Palagi pang nasasangkot sa mga kaguluhan kaya madalas ay drop o kaya naman ay repeater,,

Lagi lang nadadaan sa pera at kapangyarihan ng lolo nyang mayor kaya naman kahit loko loko ay hindi magawang patalsikin ang lalaki sa eskwelahan,,

Nakangising kinuwelyuhan nya ako at isinalya sa pader.. hinablot naman ng iba ang dala kong gamit at inihagis ito sa malayo..

Tawa sila ng tawa habang panay ang pag batok sa akin.. napahinto lamang sila ng marinig ang boses ni Ariane na kausap ang teacher na si Sir Jay..

Napahinto ang apat at lumayo sa akin na para bang walang nangyari.. agad kong dinampot ang aking mga gamit at umiling iling..

"o Marvin ... nandito ka pala... halika sabayan mo kami ni Sir na mag meryenda sa labas ng school... " nang lingunin ko sila Cedrick ay batid ko ang galit na nararamdaman nila...

Tumayo naman ako at sumabay kina Ariane at Sir Jay sa paglabas ng school...

"Ah Ariane ... ang akala ko tayong dalawa lang ang mag memeryenda..." rinig ko pang bulong ni Sir Jay kay Ariane...

"Pasensya na sir... lagi kasing binubully nila Cedrick si Marvin kaya naman inaya ko kayong magmeryenda para makalabas kami ng school ng maayos... " hinging paumanhin pa ni Ariane

Kitang kita naman ang panghihinayang sa mukha ni Sir Jay habang nagsasalita si Ariane...

"Ah ganun ba..." pilit ang ngiti nitong sabi...

Nang mag paalam na kami ni Ariane ay batid ko ang kanyang pang hihinayang... marahil ay may lihim din syang paghanga kay Ariane...

Burned Alive (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon