kabanata 2

6K 86 3
                                    

Ford's POV






NAPAPIKIT na lang ako dahil sa narinig ko mula kay Kiel. He just said na wala sila ngayon dito sa Manila. They're all in a shooting and today is the applicant's schedules for the interview!

"Sorry na nga kasi!" Si Kiel talaga!

Hindi ko pa nga nakikita ang listahan ng mga aplikanteng mag a-apply! Hindi sinabi ng mokong na iyon na may shooting sila ni Steve sa Baguio at bukas pa ang balik nila. Pero sabi niya, may pinapunta na raw siyang isang applicant, dito sa bahay.

"Let me send you her infos, sa email mo, okay?" sabi niya.

"Fine!" and I ended the call. Agad kong binuksan ang laptop at nagtungo sa email ko. After few minutes, nakita ko rin ang isi-nend ni Kiel.

Pero... nagulat ako nang makita ang picture ng babae. She's familiar.

This girl in the picture is familiar. She has a pretty face na parang nakita ko na, hindi ko lang alam kung kailan o saan.

Lorice Delfin, 20. 160 cm, type AB.

Tiningnan kong muli ang picture niya. She's really familiar. I read other informations about her and I think she will do.

Kiel said, this girl named Lorice will be here. Darating rin ang babaeng to.

Inilapag ko ang laptop sa kama. Lumabas ako ng kwarto without wearing a shirt. Pagkalabas ko ay dumiretso ako sa refrigerator at kumuha ng tubig.

I was drinking water when my phone vibrated. As expected, it's my dad. It's a message from my dad. Nagdalawang isip akong basahin ito pero binasa ko pa rin.

"At Rusteau's tonight. Let's have dinner, 6 o'clock." -dad.

Another dinner. I just sighed.

Napatingin ako sa relo ko. It's already 4 pm. Hindi pa dumarating yung babaeng sinasabi ni Kiel. Hindi pa rin naman ako nawawalan ng pasensya. Ill just wait and see if who's that girl did Kiel sent..

Dahil mag isa at wala akong magawa rito sa condo, inasikaso ko na lang ang mga papeles na dapat pirmahan. Hindi ko ito natapos dahil sa pagiging busy ko rin noong kasal ni Drag. Ngayon ko na lang ito tatapusin.

Aasikasuhin ko rin ang contract signing nina Frost Prevalle dahil lilipat na siya sa company namin. Napangiti na lang ako. Drag's company is very successful, and I'm a part of it.

Maya maya pa ay nag text si Drag.

"I just got this Aged 40 years Dalmore. Let's drink tonight. Pinayagan ako ni Zie. Meet me at Dave's new branch." -Dragon.

Aged 40 years Dalmore? Hindi ba yun yung ininom namin noong kasal niya? Hays, baka hindi iyon. Pero, 68,000 na yung price non. Magkano naman kaya tong bagong bili niyang Dalmore? Nag reply na lang ako.

"Okay. Game ako." sent.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko at hindi pa rin dumarating ang sinasabi ni Kiel. What I really hate the most ay yung nala-late. Kaya naman, pumunta na ako sa kwarto at nagbihis. Pupuntahan ko na lang si dad doon sa restaurant. Dinner lang naman yon. And then I'll spend the rest of my night with Drag.

After kong makapagbihis ay agad na akong lumabas ng unit ko. It's just good to be early, para naman hindi masayang ang oras ko doon sa restaurant na yon.









Lorice's POV

ALAS-SINGKO na at hindi pa ako nakakapunta sa condo ng aapply-an kong trabaho.

Ang sabi kasi rito sa text galing sa employer ko, sa condo na raw ako pumunta. Kasi naman, yung boss niya raw kasi ay nasa Baguio kaya imbis na sa main building ako pumunta, diretso na ako doon sa condo unit.

Akala ko,  si Mr. Kiel ang magiging amo ko pero hindi pala. Hindi ko rin alam kung si Mr. Steve o si Ford ang magiging amo ko.

Pero, kung ako ang papipiliin, gusto kong maging P.A. ni Ford. Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung nangyari sa amin one year ago. Pero naaalala pa kaya niya ako? Siguro.

Naglalakad pa rin ako. Sayang itong 50 pesos ko kung sasakay pa ako ng tricycle. Hay, ang hirap naman kasi talaga ng buhay. Pero, sino kaya magiging amo ko? Matatanggap kaya ako? Magkikita pa kaya kami ni Ford?

Iyan ang mga tanong na nabuo sa aking isipan at hindi pa ako nakakarating ay panay ang paghinga ko ng malalim. Kaya ko to!

Lorice Delfin, Kaya mo to!

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon