Kabanata 13

3.2K 59 2
                                    

Lorice's POV


Medyo masakit ang magkabila kong braso dahil sa pagbubuhat ng mga pinamili ko. Pero nawala iyon dahil sa ngiti ng batang babae na tumulong sa akin.

Inayos ko ang mga pinamili ko dito sa lamesang pinaglagyan namin. Nang matapos iyon ay nilingon ko si sir Ford at kita ang mga ngiti niyang napakalayo sa nakasimangot na mukhang lagi kong nakikita.

Ewan ko. Pang ilang araw ko pa lang. Siguro, ikatlong araw ko pa lang ngayon pero pakiramdam ko, ilang taon na akong P.A. ni Ford. Akala ko kasi, biro niya lang na magiging mahirap ang trabaho ko pero totoo pala.

But... Seeing him smile in front of children makes my heart melt.

"Hijo." napatingin ako sa mga madreng lumapit kay Ford. "Ang tagal mo nang hindi nakakapunta rito."

Tumayo siya at niyakap ang madre. "Medyo busy lang ho, sister Mercy."

"Fordan!"

"Sister Mary!" Nag apir sila at nagtawanan. Ang cute nilang tingnan.

"Sister Soli." pagyakap niya doon sa isa pang madre na dahilan naman ng pagngiti nito.

"May good news ako sayo." sabi niya. "Mabuti na ulit ang kalagayan ni Fudge."

Fudge? Sino yon?

"Mabuti naman po. Nasaan po siya?" tanong naman niya.

"Tawagin mo." sabay ngiti ng madre.

"Fudge... Fudge... "

Agad na nawala ang ngiti sa mga mata ko nang makita ang isang aso na parang may pagka-fox ang itsura. Magkahalong itim at puti ang kulay nito at mabalahibo.

Naman!!!!!

''Awwrff, awwrrff!!!"

Lumapit siya kay Ford. "Magaling ka na ba talaga, ha?"

Tumahol ang aso na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ni sir Ford. Cute naman yung aso, kaso lang.... nakakatakot siya!

Kinabahan ako nang umalis ang aso mula sa kamay ni Ford. At... PAPALAPIT SIYA SA AKIN!!!!!!!

Tumatahol pa siya habang tumatakbo papalapit sa akin. Naman! Takot ako sa aso! Ano ba yan! Kaya tumakbo ako.

"Awrrff! Awwrrff Awrrff!"

"Waaaahhhh!"

Hindi ko mapigilang sumigaw habang hinahabol niya ako. Ikaw ba naman ang habulin ng aso na kinakakatakutan mo!

"Fudge!"

Nawala lang ang takot sa isip ko nang lumapit yung aso sa batang babae... na tumulong sa akin kanina. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Buti pa, kumain na tayo." rinig kong sabi ni sir. "I brought some food... and gifts for you."

"Sige..." sabi nung madre. "Tutulong na kami sa pa paghahanda. At ngayon, hindi pwedeng humindi ka."

"Did I have a choice? Sige na nga." sabay silang napangiti.

Ako naman, sumunod lang sa kanila nang nagtungo sila sa kusina. Bawat hakbang na ginagawa ko ay siya ring pag buntong hininga ko. Hindi pa rin kasi mawala yung naramdaman kong kaba dahil kanina.

"Ikaw ba yung girlfriend niya hija?" tanong nung madre habang naghahanda kami sa mga pagkain.

girlfriend?

Umiling ako. "H-hindi ho. Personal assistant lang po niya ako." naalala ko yung sinabi niya sa akin dati doon sa club. Yung nang iwan sa kanya.

"Malapit talaga siya sa mga bata." sabay naming tingin kina Ford. Binibigyan niya ng mga regalo ang mga bata. "Hindi niya kasama sina Dragon dito ngayon."

Sina Dragon? A, Yung kasama niya sa CHANSE dati, yung sikat na grupo na na disband.

"Dati kasi, silang apat ang nagpupunta rito. Siguro dahil may mga anak na rin si Dragon kaya hindi siya makabista." ngumiti siya nang tingnan ko siya, "Silang apat... Lumalaki na sila. Natutuwa ako dahil nakikita namin na masaya sila ngayon."

Biglang napalitan ng lungkot ang mga ngiti sa mukha niya. Nagtaka ako kung bakit. Kaya tinanong ko si sister.

"Bakit po, sister? May problema po ba?" tanong ko sa kanya.

Napa buntong hininga siya. "Hindi ko kasi alam kung paano ito sasabihin kau Ford, pati na rin kila Steve." mas nalungkot siya. "Malapit nang isara ang ampunan na ito. Wala nang mag aampon sa mga bata. Isa pa, may bumili ng lupang ito noong isang araw. Nag aalala ako para sa mga bata. Napamahal na sila sa amin at ayaw kong mawala sila sa pangangalaga namin."

"Kung mawawala po ba ang nga bata dito, saan po sila dadalhin?" tanong ko.

"Alam ng nakabili ng lupa na wala na kaming sapat na pondo para sa mga bata. Bukod sa wala nang nag aampon at wala na ring nagdo-donate maliban sa kanilang apat. Dadalhin ang mga bata sa pangangalaga ng DSWD."

Naiiyak niya iyong sinabi. Pero, bakut hindi niya ito sinabi kay Ford?

"Sister... Bakit di ninyo ito sinasabi kay sir Ford? O kahit kina Sir Dragon?"

"Pinagbantaan kami ng buyer. Na kung magsusumbong kami kay Ford, o kahit na sino, papatayin niya ang mga bata. At ayokong mangyari iyon."

Agad na bumigat ang dibdib ko. Paano na ito?

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon