kabanata 18

3K 53 1
                                    

Lorice's POV

Matapos kumain ay itinuro ni sir Ford sa akin ang mga dapat kong gawin habang wala siya rito sa unit. Aalis siya ngayon papuntang ibang bansa at ako lang mag isa rito sa unit.

Ang problema ko lang ngayon, wala na akong cellphone.

"Nagbibiro ka ba? You really don't have phone?" tanong niya.

"Ninakaw po kasi yung bag ko."

Napayuko na lang ako. Napatingin na lang ako sa kanya nang may ibinigay siyang cellphone.

"Ilang araw lang naman ako sa Thailand. Use it."

Tinanggap ko ito.

"Tsaka nga pala, take care of him while I'm away." Saka siya lumabas ng unit.

Sinong aalagaan ko?

"Awrrf awrrf!"

Omaygad! "Waaaahhhh!!!"

"Awrrf! Awrrf awrrf!!"

Napatakbo na lang ako. Ano ba yan! Bakit nandito tong aso na to! Hindi ko naman nakita to noong umuwi kami galing sa orphanage!

Tumatakbo ako rito. Napunta ako sa kusina tapos hinahabol niya pa rin ako!

"Awrff!"

Aaaahhhh!!!!













Ford's POV

NASA kotse na ako at papunta na kami sa airport.

Naalala ko si Lorice. Buti na lang, pumayag siya talaga sa alok ko sa kanya. I gave my old phone to her. I don't know but my prodigality help sometimes. Bumili ako ng bagong phone last last week at ngayon, ito na yung gamit ko.

I forgot to tell her about Fudge's food. Kaya tatawagan ko siya ngayon.

Hindi ako nahirapan dahil kaka dial ko pa lang ay nag ring na ito at sinagot niya.

But... I hear someone... screaming.

"Hello?" walang sumagot. I waited seconds at sa wakas! Nagsalita na rin siya!

"Hello sir? Sir tulong! Ahhhh! Wag mo nga akong habulin!"

What? At sino namang humahabol sa kanya?

"Sir! Di mo naman sinabing may-- Aahhhh! May aso ritooo!!!"

Aso? She mean... Si Fudge? Natawa na lang ako habang pinakikinggan ang mga sigaw niya at tahol ni Fudge.


"H-Hey! Lorice! Say his name!"

"Say his name? Wwwaaahhh!

Awrrf !!!"

"Ang sabi ko, tawagin mo siya sa pangalan niya!"

"Anong pangalan niya sir?!"

"Fudge."

"Fudge! Hmm? Tumigil na siya sa pagtahol!"

Wala sa sariling napangiti ako dahil sa aking narinig.

"T-teka sir, bakit nga po pala kayo napatawag?"

"Oh. I forgot to tell you about Fudge's food. Nasa ibabang kitchen cabinet iyon. Pakainin mo siya three times a day."

"O-okay po."

I ended the call matapos ko iyong sabihin. She just... made me smile again.







Lorice's POV

NAKAUPO AKO sa sofa. Yung asong ito naman ay nakatingin sa akin. Kinakabahan ako. Paano pag kinagat ako nito? Sa tingin ko, wala namang rabis to pero... takot pa rin ako sa aso!

Ewan.

Buti na lang at tumawag si sir Ford kanina. Nalaman ko na ang pangalan ng asong to.

"F-fudge?"

"Awrrf!"

Hmm? Nag respond siya! Ang galing!

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Nanginginig ito at pati ako ay kinakabahan na baka kagatin ako pero hindi naman pala.

Nag-apir lang siya sa kamay ko, at parang ngumiti siya.

ANG CCCUUUTTTEEE!

Nang matuon ang atensiyon ko sa cellphone ni Sir ay bigla na lang kumandong ang asong ito sa akin kaya nagulat ako.

Buti na lang at hindi ko nabitawan ang phone ni sir.

Hinaplos ko siya. Ang sarap niyang hawakan! Lalo na at mabalahibo siya.
Tiningnan ko ang oras. Mag aalas dose na. Kailangan ko na siyang pakainin.

"Gutom ka na? Fudge?"

"Arff..." napangiti ako dahil doon. Umalis siya at natawa na lang ako nang nauna siyang nagtungo sa kusina.

Kaya nang makapunta ng kusina ay sinunod ko ang sinabi ni sir. Kinuha ko ang dog food at syempre, binasa ko muna ang directions bago ko ipakain kay Fudge.

Nang ma gets ko na ay tsaka ko hinain ang kakainin ni Fudge. At nang magsimula siyang kumain, napangiti na lang ako.

Ang cute ni Fudge.

Matapos kumain ay nanood kaming dalawa ng tv. Nakakandong na naman siya sa akin at hinagaplos ko naman ang maganda niyang balahibo.

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala siya. Hinayaan ko muna siya na matulog. Pero inihiga ko siya ng maayos sa sofa nang may marinig akong mag door bell. Sino kaya yon?

Agad ko naman iyong pinuntahan pero wala nang tao roon pagdating ko. Sa halip ay nakita ko ang isang lunch box. Kinuha ko ito.

Nagtaka ako kung kanino ito nanggaling. Nilingon ko ulit ang paligid ngunit walang tao. Kaya dinala ko na lang ito sa loob.

Nang basahin ang note na nakalagay dito, ito lang ang nakalagay:
To: Lorice, From: Antonio.

Binuksan ko ito at pagkaing bagong luto pa lang ang nakalagay. Wow naman! Sakto! Magluluto na sana ako pero wag na lang. Wala naman sigurong lason to e. Kaya kinain ko.

Pero, sino naman kaya itong Antonio na to?

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon