Lorice's POV
Napalingon ako nang may nakita akong pumasok sa kwarto. Kapupunta lang nila rito kanina.
Two nurses came in. Ang isang nurse ay walang dala. May dala siyang isang bouquet ng bulaklak ang kasama niya.
Lumapit ang isang nurse sa akin at tiningnan ng sugat ko. Okay naman ako. Wala ra ring masakit sa katawan ko. Medyo mahapdi nga lang yung sugat pero hindi na gaya nung una.
"Kakapunta niyo lang ho kanina a."
Tumingin ang nurse sa akin. "Bilin kasi ng boyfriend mo na i check ang kondisyon mo."
Ganon? Napaka-maaalalahanin niya talaga.
Napatingin ako sa isa pang nurse. Yung isangmay itinanong sa akin.
"Miss... Lorice ang pangalan mo diba?"
"Bakit po?"
"Pinabibigay po ng lalaki." sino naman kaya? Is it Ford?
"Ano raw ang pangalan?" tanong ko sa nurse.
Umiling ang nurse. "Hindi ko alam kung sino. Basta gwapo rin siya."
Then if it is not Ford, sino?
"Don't you remember me?"
"N-no, sorry." Kahit na naaalala ko sa itsura, I said no.
"I like you."
Nagulat ako nang sabihin niya yon. Hindi ko pa nga alam ang pangalan niya! Tiningnan ko siya. Pansin ko kasing panay ang titig niya sa akin kanina pa.
I don't feel safe. Nasaan ka na Ford?
"Sorry, may boyfriend na ako--"
"I like you. And now matter what happen, aagawin kita sa kanya. At sisimulan ko na ngayon."
Hindi kaya.... Yung lalaking iyon ang nagbigay nito?
Kinabahan ako. Kasi naman, nung gabing yon, galit na galit si Ford sa lalaking yon. Hindi ko alam kung bakit.
Maya maya apa ay may pumasok na naman dito sa kwarto. Akala ko isang nurse na naman, pero hindi pala.
"Lorice... " teka, siya si Mr. Antonio. Alam niyang na ospital ako?
Lumapit siya sa akin at nabigla na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Hanggang sa humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa akin ay labis na pagtataka ang nasa isip ko.
"Mr. Antonio--" naputol ang pagsasalita ko nang hawakan niya ang pisngi ko. Mas lalo naman akong nagtaka kung bakit niya ito ginawa.
"You really have same face with your mom." teka, kilala niya si mama?
Nagulat na lang ako nang nakita ko siyang lumuha.
"I finally found you, after all these years." muli niya akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero pati ako ay naluha rin. At pang may puwang sa puso ko na bigla na lang nabuo.
Nang kumalas siya sa pagkakayakap ay tiningnan niya ako. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. Wala akong ideya.
"B-bakit kayo umiyak? Bakit sinabi niyo na nakita mo na ako?" paulit ulit na tanong niya.
Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm your father."
Ano?
"Mr. Antonio, may papa po ako. Baka nagkakamali lang kayo."
May ama ako. Iyong asawa ni mama. Siya ang papa ko, diba? Kaya bakit niya sinasabi na ama ko siya?
Muli ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya pero kapag tinitingnan ko siya, parang seryoso siya sa mga sinasabi niya. Maniniwala ba ako o hindi?